Chapter XIV: Candy

1058 Words

NAGLALAKAD NA si Lexus papunta sa kaniyang klase nang umagang iyon. Kanina pa niya chine-check ang kaniyang cellphone dahil sa hinihintay niyang mensahe mula kay Reena. Nang magsawa siya sa kaka-check doon ay tuluyan niya nang ibinulsa ang cellphone. Dumaan muna siya sa cafeteria para mag-almusal. Medyo marami nang tao roon. Pasado alas nuebe na rin kasi. Pagkatapos niyang kunin sa counter ang in-order na pagkain ay dumiretso siya sa pandalawahang upuan na medyo malayo sa mga tao. Tahimik lang siya sa pagkain hanggang sa isang babae ang lumapit sa kaniya. "Hi." Nang iangat niya ang tingin ay isang chinitang babae ang tumambad sa kaniya. Mahaba ang tuwid nitong buhok at may katangkaran. Pulang-pula ang mga labi nito at puno ng kolorete ang mukha. Medyo may pagkamataray din ang awra nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD