Chapter XVI: Moon and Stars

1080 Words

PARANG GUSTONG manakit ni Lexus nang mga oras na iyon pero tinitimpi niya ang kaniyang sarili at tahimik na lang na pinanood ang paglayo ni Reena at Maze. Masama ang tinging iginugol niya sa katabing babae nang kumawit na naman ito sa mga braso niya. "You know, what, Lexus? Let's just go. I know a good place!" masayang sabi ni Candy na para bang walang nangyari. Palabas na siya sa classroom kung saan ang huling klase niya nang biglang sumulpot ito at kulitin siya. Kahit nga anong gawin niyang pagtataboy rito ay walang epekto. Pero dahil nga ayaw niyang pumatol sa babae at ayaw niya ng gulo ay hinayaan niya ito. Pero hindi niya akalaing magagawa nito ang nagawa nito sa harapan pa mismo ni Reena. "You know what, too? You're so irritating!" mariing sabi ni Lexus na nakapagpaatras sa babae.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD