DX POV. MEXICO. Nakikinig lamang siya sa kapatid na si DL habang panay ang sermon. “Isang taon na ang nakalipas Kuya DX. Wala ka bang planong makita ang iyong mag-ina?” “Nasa mabuting kalagayan silang dalawa at iyon lang ang mahalaga.” “Ano ang totoo sabihin mo upang maging malinaw sa akin ang lahat. Dahil hindi ko na kayang tiisin ang ginagawang mong ito sa iyong sarili!” “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na mas okay ang ganito?” “At hahayaan mo na lang sa kaibigan mo si Jasmine? Ayos lang din sayo na siya ang kinikilalang ama ng anak mo?” “Ito ang tama para sa ikabubuti ng lahat.” Ang tangi niyang sagot sa kapatid upang wala ng maraming tanong pa. At saka niya iniwan si DL ngunit hindi pa man lang siya nakakalayo ay narinig niya ang boses ni Irish. “Sabi ko naman sayo ako pa r