JASMINE POV. NARIRITO na sila sa Manila, sa mansion ni Er, hindi pumayag ang binata na bumukod silang mag-ina ng bahay. Kaya heto at nasa puder pa rin sila ni Er. Habang ang-iisa ay hindi na naman niya napigilan ang pagtulo ng luha. Talagang hindi na siya binalikan ni Xander. Isang buwan na ang kanilang little DX. At tuluyan na siyang nawalan ng balita sa lalaking minamahal. “Jas, umiiyak ka na naman akina nga si Baby DX at ako na ang magbabantay sa kanya. Mas mabuting matulog ka na upang makabawi ka sa mga pagpupuyat mo.” “H-Hindi pa naman ako inaantok, Er. Ikaw ang magpahinga na dahil maaga ka pa bukas sa iyong biyahe.” “Maaari naman akong makatulog sa loob ng chopper. Kaya mahiga ka na at ako na ang bahala kay baby boy.” “Salamat, Er…. Ahm, pwede ba tayong mag-usap?” “Ano yon sa