CHAPTER 6
CHLOE's P.O.V
Nakapatong na ang ulo ni Nairo sa table sa sobrang kalasingan kaya naman pinagmasdan ko syang maigi.
Kanina habang nasasaksihan kong binubusted sya ng babaeng 'yun di ko maiwasang magalit at mainis. Napakabait na tao nitong lalaking 'to pero nasaktan lang sya. Naiintindihan ko sya dahil gaya nya may tao ring nanakit sakin, lumagok ako ng isang boteng beer ng maalala ko ang mga pangyayaring yun.
—FLASHBACK—
4th anniversary na namin ngayon ni Reizo. Ang pinakamatagal na boyfriend ko at dahil minessage nya ako na pumunta sa condo nya ay pumayag ako.
Dala dala ko ang cake at gift ko para sa kanya dahil excited nakong makita sya at batiin ng happy anniversary.
Pero habang humahakbang ako palapit ng condo nya ay parang bumibigat ang bawat paghakbang ko hanggang sa makarating ako ng condo nya. Bukas ang pintuan kaya nakaramdam ako ng kaba. Baka may surprise sya sakin kaya pumasok ako pero para kong naistatwa ng makita ko ang mga nagkalat na damit sa sahig ng condo nya. At nang makarating ako sa tapat ng kwarto nya ay nakita ko ang pinsan kong si Quinn at Reizo na walang saplot sa katawan at parang sayang saya sa kababuyang pinagsasaluhan nila.
"H-hon!" Napabangon si Reizo ng makita ako kaya naman dali dali syang nagtapis ng tuwalya sa katawan.
Sobrang sakit ng dibdib ko parang pinipiga yun. Tangina!
"L-let me explain hon..." Sabi ni Reizo saka ko hinawakan pero iwinaksi ko yun dahil nandidiri ako! Nangilid na ang luha ko dahil di ako makapaniwala sa nakikita ko.
"D-don't touch me! Nakakadiri ka!" Sigaw ko sakanya. Sunod na lumapit samin si Quinn na nakarobe na.
"Reizo tell her everything, she needs to hear that. Para di kana din mahirapan." Seryosong sabi ni Quinn.
Napayuko si Reizo at nakita ko ang lungkot sa mukha nito.
"I-i'm sorry... Ginamit lang kita, ginamit lang kita Chloe para magkalapit kami ng pinsan mo... All this time niloloko lang kita dahil si Quinn talaga ang mahal ko. Hindi lang kita maiwanan dahil naaawa ako sayo... Nagkaron kami nang dare, at di-nare ako ng mga tropa ko na kapag napasagot at nafall ka sakin ay saka ko sasagutin ni Quinn... I'm sorry..." Mahinang sabi ni Reizo.
Dun na nagsimulang bumagsak ang luha ko at nagpigil ng hikbi. Ang sakit! Pinagmukha nila kong tanga!
"Bakit? Kasi nangati ka ganun ba? Kaya nagpakamot ka? Kasi hindi ko maialis ang kati mo sa katawan mo tama? Hindi ko kasi makamot. Hahaha! Tangina mo, tangina nyong lahat! Ang galing nyo noh? Ginawa nyo kong tanga! Ginago nyo kong lahat! Ano masaya ka na?! Masaya ka na ba Quinn? Kahit kailan ka talaga inggitera ka!" Galit na sigaw ko sa kanya saka sya siya sinampal ng cake.
"Hindi ako ang mangaagaw! Binawi ko lang ang akin Chloe! Hindi naging sayo si Reizo dahil mas nauna syang ligawan ako bago ka nya ligawan! Limang taon na kami! Kaya wag ka ngang mag inarte dyan!" Galit din na asik ni Quinn sakin.
Napahagulgol nako dahil ang sakit talaga tangina!
"I'm sorry Chloe... I'm breaking up with you." Malungkot na sabi ni Reizo kaya nanghina ang mga tuhod ko.
"NO! AKO ANG MAKIKIPAGHIWALAY! AKO ANG NILOKO MO KAYA WALA KANG KARAPATANG MAKIPAGHIWALAY! DAHIL AKO ANG MAKIKIPAGHIWALAY!" Galit na sigaw ko sa kanya!
"Sorry... H-hindi ko sinasadya." Sabi niya kaya naman sinuntok ko sya sa panga nya dahilan para pumutok ang labi nya.
"Gago! Anong di mo sinasadya?! Sinadya mo yun ang bobo mo! Tangina ka! Sana hindi ka nalang pinanganak para di kita nakilala! I don't deserve a jerk and a dirty man like you! Ang pangit mo ulol! Hindi ka gwapo nakakadiri ka ang baho ng hininga mo! Ayaw na kitang makita kahit kailan dahil baboy ka! Hayup!" Sigaw ko sa kanya kaya ko kinuha ang regalo ko para sa kanya.
"Ito nga pala oh! Best artist award mo! Galing mong magpanggap na gago ka! Isaksak mo sa baga mo!" Sabi ko saka hinagis sa kanya ang regalo ko at nagmadali akong lumabas ng condo niya at dahil natapilok ako sa suot kong heels ay hinubad ko yun at hinagis sa kanilang dalawa!
Tinamaan si Quinn sa mukha habang si Reizo naman ay tinamaan sa dibdib.
Nagmamadali akong sumakay sa taxi saka ko dun umiyak nang umiyak. Naramdaman ko na naman ang pagkirot ng puso ko.
Narinig kong magring ang phone ko kaya naman napaiyak akong lalo.
"H-hello C-chleo?"
("Chloe san ka? Umiiyak kaba?")
"C-chleo... W-wala na kami, a-ang sakit n-ng puso ko..."
("Hush... Chloe wag kang umiyak, wag mo naman pabayaan sarili mo kapag umatake ang sakit mo wala ko sa tabi mo.")
Pinatay ko ang tawag saka ko bumaba ng taxi at pumuntang sementeryo. Pinuntahan ko si Dad ang puntod nya.
"D-daddy... S-sorry, n-nasasaktan ho ako." Sabi ko saka humikbi.
Naalala ko kasi noon na laging sinasabi sakin ni Daddy na kapag nagmahal ako ay yung lalaking kagaya nya, dahil si daddy ang idol ko. Pinangarap kong makatagpo ng lalaking gaya nya. Akala ko si Reizo na yun dahilan para mahalin ko sya ng sobra pero niloko nya ko.
"D-daddy m-miss nakita..." Umiiyak na sabi ko saka ko humiga sa tabi ng puntod nya.
"G-gusto ko nang makasama k-ka dad... M-miss na miss na kita..." Sabi ko habang patuloy ang pagluha ko.
Dumaan ang ilang araw at nagkulong ako sa kwarto sobra kasi akong nasaktan kaya nung lumabas ako ay pumasok ako ulit sa school pero wrong move.
Nakita ko kasing sobrang saya nilang malaman na naging tanga ko kay Reizo. Naging usapan ako sa school namin nung high school ako pero tiniis ko yun.
Hanggang sa nalaman kong nagbreak sila Quinn at Reizo dahil nalaman kong minahal ako ni Reizo pero dahil sa sakit na naranasan ko sa kanya ay di na ko naniwala sa kanya.
Habang naglalakad ko ako sa hallway ay bigla akong hinila ni Reizo saka nya sinabing...
"Mahal pa din kita... Niloko ko lang din ang sarili ko na di ikaw ang mahal ko kundi si Quinn so please comeback to me." Sinserong sabi nya pero ngumiti ako saka bumitaw sa pagkakahawak nya sa braso ko.
"Sorry but i don't need you in my life. Matapos ang kagaguhang ginawa mo sakin di nako papayag na gawing tanga moko ulit." Sabi ko sa kanya.
At nang araw na yun ay nagsimula ng manggulo sakin si Reizo. Lagi nya na akong sinusundan para syang stalker! Kaya naman ng di ko na makayanan ang sakit na ginagawa nyang panggagago sakin ay nagmakaawa ako kay Chleo na magpanggap na sya para hindi na ko makita ng hinayupak kong ex.
—END OF FLASHBACK—
"Naiintindihan kita kung bakit nasasaktan ka kasi nagmahal ka lang din." Sabi ko sa kanya.
Narinig kong nagring ang phone ko at ng makita ko ang caller ay sinagot ko ito.
"Anong kailangan mo?" Pambungad ko sa kanya.
("I have a news Chloe!") Sabi ni Chleo sakin.
"Ano naman yan?"
("Nabalitaan kong si Reizo ay nagtransfer sa Melville University! Mag-iingat ka sa kilos mo dahil baka mabuking ka ng hinayupak mong ex!")
Parang nadaganan ako ng mundo sa narinig ko! f**k anong gagawin ko?!
Disaster is coming...
---
To be continued...