CHAPTER 7
NAIRO's P.O.V
"Seryoso ka insan?!" Halatang gulat na sabi ni Dem. Huminga ko ng malalim.
Kagabi kasi nung malasing ako ay naiimagine ko talagang babae si Chleo. Nababaliw na talaga ko!
"Oo, puro palpak na ang plano natin! Tiningnan ko yung mga mens magazine pero anak nang peteng talaga dahil parang pinalitan ng mukha ni Chleo yung magazine kaya nakikita kong sya yung mga sexy na babae dun! Tapos nung nabusted ako kahapon para syang lalaking pinagtatanggol ang prinsesa nya! Taragis insan! Hindi ko alam gagawin ko lumalala na yata talaga ako!" Sabi ko sa kanya saka ko napasabunot sa buhok ko.
Naramdaman kong tinapik ni Dem ang likuran ko.
"Insan, wala na tayong ibang choice kundi ang tanggaping bakla ka na talaga." Sabi niya at saka ko nakita ang pagluha niya.
"Insan umiiyak kaba?!" Takang tanong ko sakanya.
"E-eh kasi insan sayang yung lahi mo eh..." Sabi nya kaya binatukan ko sya.
"Insan hindi ako papayag na magiging bakla ko sa wala!" Proud na sabi ko sa kanya.
"Ano bang binabalak mo?" Seryosong sabi niya kaya huminga ako ng malalim.
"Operation: Make Chleo fall in love to me. In short we need to make him gay too!" Nakangising sabi ko kay insan at nakita kong napangiwi sya.
"Seryoso ka?! Insan baliw kana nga talaga! Ano namang mapapala mo dyan?" Sabi niya.
"Kapag naging bakla rin si Chleo baka sakaling magkaroon na sya ng pagnanasa sakin." Sabi ko saka humalakhak insert evil grin.
"Sira ulo ka insan! Paano kung yung kaibigan mo pala ay Straight talaga?" Sabi nya.
"Ngayon oo! Pero gagawin ko lahat para maging bakla sya! Pakikiligin ko sya, ipagtatanggol ko sya at iseseduce ko sya!" Mayabang na sabi ko kay Dem.
Narinig ko ang malakas na pagtawa nya kaya naman binatukan ko sya.
"Ano bang itinatawa-tawa mo dyan?!" Asik ko sa kanya.
"Tsktsk. Insan spell malabo!" Sabi nya.
"What?!" Kunot noong turan ko sa kanya.
"Malabo talagang magawa mo ang sinasabi mo insan!"
"Bakit nga sabi?!"
"Dahil umpisa palang talo ka na! Lahat ng binanggit mo sya ang gumawa sayo eh! Una pinakilig ka nya nung sinabi mong para syang naging knight and shining armor mo! Pangalawa ikaw ang pinagtatanggol nya. At pangatlo kahit di ka nya sineduce o inakit sa personal sineseduce ka naman nya sa utak mo dahil sa sobrang pagpapantasya mo sa kanya!"
Yun ang mga katagang sinabi ni Dem dahilan para matauhan ako. Para kong sinampal.
"Eh! Di ako susuko! May pagasa pa!" Sabi ko sa kanya. Desidido nako! Okay nakong maging bading basta bumigay din sya sakin!
**
"Okay class we need to train dahil magkakaron kayo ng liga." Sabi ni Coach.
Nasa court kasi kami ngayon dahil magbabasket ball training kami. Kaya naman ng makarating na kami dito ay nagsimula na kaming magtraining.
Nagsimula na kaming magpractice mag dribble, shooting, passing etc.
At habang nagpapahinga ako dahil tapos nadin naman akong magtraining ay nakita kong nagtetraining pa din si Chleo. Bawat galaw nya ay para talagang basket ball player sya. Naikuyom ko ang kamao ko ng makita ko kung paano sya nagshoot ng bola.
Sheeet! Para kong maiihi sa kilig parang ang pogi ng datingan nya nung nagshoot sya ng bola. No wonder kung bakit isa sya pinagkakaguluhan ng mga babae sa kabilang school.
Gwapo din naman ako kaso di ko nagawang tumingin sa ibang girls kaya di ko alam kung may fangirl ako gaya nya.
Napabulagta ako sa sahig ng maramdaman kong sumakit ang ilong ko at parang nahilo ako! Dun ko lang narealize na tinamaan ako ng bola sa mukha dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Par! Ayos ka lang ba may masakit ba sayo?"
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Chleo ng lumapit sya at alalayan akong tumayo. Parang daig ko pa ang babae sa sobrang pagkabog ng dibdib ko.
Nakaalalay kasi ang braso ni Chleo sa batok ko kaya hinila ko sya lalo para mapalapit ang mukha nya sakin kaya napalunok ako.
"Sheet Bromance mga dre!" Tawanan at hiyawan ng mga ka-team namin kaya napatayo at napahiwalay kaming dalawa.
"S-sorry par! Ako yung nakatama sayo di ko sinasadya." Mahinahong sabi ni Chleo napatitig ako sa kanya at parang may mga bituin na kumikinang sa mukha nya.
"A-ayos lang ako wag mo ko alalahanin." Nakangiting turan ko saka nagmadaling lumabas ng court.
Napaupo ako sa umbrella dahil sa sobrang pagiisip! Shet kailangan ko ng magtagumpay! Panindigan ko na itong pagiging bakla ko.
Nakaisip ako ng paraan! Kailangan kong makahanap ng dahilan para mapapayag si mom and dad na hayaan akong maging bakla nalang.
Nang naglakad na ko ulit ay nakita ko si Chleo na kasama ang ibang ka team namin at nakikipagtawanan sya. Naikuyom ko ang kamao ko dahil parang nagseselos ako.
Kaya ang ginawa ko ay mabilisan akong naglakad palapit sa kanila at saka hinila si Chleo kasama kong maglakad saka kami pumunta sa canteen, good timing dahil bilang lang ang mga studyante doon dahil oras pa din ng klase hanggang ngayon.
Naupo kami ni Chleo matapos umorder ng pagkain saka ko sya tinitigan.
"Bakit mo ko tinititigan ng ganyan?" Salubong ang kilay na sabihin nya yun.
"Pwede bang magrequest sayo, Par?" Sabi ko. Nakita ko namang napainom sya ng tubig.
"H-hmm sige ano ba yun?" Sabi nya kaya huminga ko nang malalim.
"Pwede ba kitang isama bukas? Birthday ni mom... Wala kasi akong maimbitahan kaya ikaw nalang ayos lang ba?" Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya saka tumango at saka sumubo ng cupcake.
"May isa pakong favor." Sabi ko pa sa kanya.
Nakita kong seryosong tumingin sya sakin kaya kumain ulit.
"Pwedeng magpanggap ka?" Sabi ko sa kanya.
"Magpanggap? Na alin?" Sabi nya. Napalunok ako ng ilang beses ng makita kong nakatitig sya sakin.
"Maging boyfriend ko!" Sabi ko sa kanya dahilan para mapabuga sya ng pagkain nya at ang pinakamalala pa ay nailabas nya ang ibang cupcake sa ilong nya.
Kaya imbis na matawa ako ay dali dali akong kumuha ng tissue at pinunasan ko ang mukha nya.
"S-sorry nabigla ba kita?" Sabi ko sa kanya saka ko napakamot ng ulo ko.
"A-anong sabi mo? M-magpapanggap akong boyfriend mo kamo?" Di makapaniwalang sabi nya kaya pinamulahan na ko ng mukha.
"O-oo sana..." Sabi ko sa kanya.
"But why do I need to do that?" Seryosong sabi nya kaya napalunok na naman ako saka napayuko.
Uminom naman sya ng tubig.
"Because I-I'm gay..." Mahinang sabi ko! Nakita kong napabuga na naman sya at sakin nya naibuga ang tubig! Kaya ang ending nabasa ako at ang precious handsome face ko.
"WHAT?! SERIOUSLY?!" Umalingawngaw na sa buong canteen ang sigaw ni Chleo kaya napagtinginan kami ng tao roon.
---
To be continued...