CHAPTER 17 NAIRO's P.O.V Nanatili akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko simula hanggang gabi dahil di ako makatulog kakaisip sa nalaman ko! Damn it! Nagmukha akong tanga! Pinagmukha nila kong tangang magkapatid! Nang lumabas ako ng kwarto ko ay saktong lumabas din si Chleo na bagong ligo sinamaan ko sya ng tingin dahil napansin kong nakatingin siya sakin. "Tell me... Who are you?!" Mariing tanong ko sa kanya. "W-what? Teka par... Ano bang sinasabi mo?" Maang na sagot nya. Naikuyom ko ang kamao ko saka sya kinuwelyuhan at sinandal sa pader! "Pwede ba wag mo kong gawing tanga! Ikaw ba si Chleo?!" Gigil na sabi ko sa kanya. "O-oo! A-ako naman talaga 'to!" Sabi nya. "Bullshit Chleo!" Sigaw ko saka hinampas ang glass table kaya nagcrack iyon. "Man easy! Wag ka ngang masyadong hot!"