CHAPTER 18 CHLOE's P.O.V "Chloe... Kumain ka na kahapon ka pa nagkukulong dito sa kwarto mo." Sabi ni Chleo sakin. Gaya ng inaasahan nya ay muli na namang bumaha ng luha sa mukha ko. Hanggang ngayon kasi ay dinidibdib ko pa din ang mga pangyayari. Isang linggo na din ang nakalipas pero di ko pa din makalimutan yung mga katagang binitawan ni Nairo sakin. "W-wala kong gana... P-pumasok ka na, malapit na ang sportfest baka di ka na makapagtraining." Matamlay na sagot ko sa kanya. Narinig kong napabuntong-hininga si Chleo saka ko niyakap. "Alam mo bang nahihirapan na kong nakikita kang ganyan? Parang naaalala ko ang nangyari sayo noong namatay si Dad at ng iwan ka ni Reizo pero sana this time maging matatag ka na..." Sabi niya kaya napahagulgol na ko sa dibdib nya. "M-mahina ang puso ko