Losing THEO Pinagmamasdan ko si Kamila na nakakailang hikab na mula nang makalapag kami sa airport. Nilingon niya ako at pansin ko ang pangangalumata niya. “Are you tired?” tanong ko at parang gustong pagsisihan na siya ang pinagmaneho ko kanina dahil hindi siya nakapahinga kahit paano. Dumagdag pa ang naging pagpapatakbo niya dahil sa tingin niya’y sumusunod sa amin. Pero mukhang may tama nga siya na baka may masamang intensyon ang nakasunod na ‘yon sa amin dahil natanggap ko na ang sagot ng tauhan ko. Hindi nakarehistro ang plaka na ‘yon. It’s possible na peke iyon. Tumikhim siya at umiling bago inilibot ang tingin sa maliit na airport na kinaroroonan namin. “Not really. I need some coffee, pero magrestroom muna ako.” Bago pa ako magsalita ay inabot niya na sa akin ang maleta niy