Minanyak KAMILA “Anong oras ang flight natin?” tanong ko kay Theo nang papalapit na kami sa airport. Gusto ko muna kasing manigarilyo dahil na-tense ako sa nangyari kanina. Hindi pa rin ako mapalagay. Hindi maganda ang kutob ko doon sa nakasunod sa amin. “Now.” “Now?” Tumango siya at abala sa cellphone niya sa kakadutdot. “Private plane,” sagot niyang nasagot na lahat ng tanong ko. Bakit nga ba nawala sa isip kong may sariling eroplano ang pamilya nito. Idagdag pa na may airline company din si Kuya Khalil na asawa ni Ate Angeline. Anumang oras nila gustuhin umalis, pwedeng-pwede. Mas lalo tuloy sinasampal sa akin ang reyalidad na ang katulad kong babae ay hindi nababagay sa mga gaya niya. I’m not a f*cking cinderella. Well, hindi ko rin naman gusto ‘yon. Malayong-malayo din ako