Threat KAMILA “Uy!” “Huh?” “Tulala ka, himala’t hindi ka napatakbo kahit na nandiyan na ang bebe mo,” ani Mavy sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya at nginuso niya ang harapan ko. Nakita ko sa parking si Theo na nakasandal sa kotse niya. “Sana all, binabalikan. Hindi ba sa BGC pa mga ‘yan nag-shoot, tapos umikot pa pabalik dito para sa ‘yo! Jusko ka bakla, share mo na sa akin anong gayuma na ginamit mo,” ani Hillary sa akin at iiling-iling at pilit na tumawang humiwalay ako sa kanila’t nagpaalam bago tinakbo si Theo. Hindi ko inasahang pupunta siya dahil hindi naman siya nagsabi. Inasar-asar pa kami ng mga kaklase ko lalo na nang kunin niya sa akin ang gitara at bag ko para ilagay sa backseat nila. May mga sumigaw pa kung kami na ba pero hindi ko na sila pinagpapansin pa’t nagma