Serenade KAMILA “Thank you for this, Theo. Paano ka nga pala nakabili nito?” “I ask my Ate’s assistant to have it delivered here,” kaswal niyang sagot na para bang hindi big deal ‘yon kahit na nang-istorbo siya ng tao para lang sa cravings ko. “Nakakahiya naman sa Ate mo saka doon sa assistant niya.” “I asked her for a favor, Kamila. I also paid for this so don’t be guilty about it,” aniya habang inililigpit na ang kinainan namin. Busog na busog ako lalo’t nakikain din ako sa baon ni Theo at naubos ko ang isang buong mud pie. Akala ko nga’y isa lang ‘yon pero sabi niya ay meron pa siya sa kotse at ibibigay niya sa akin mamaya. Tiyak daw niyang hindi na ako mauubusan sa bahay. Napangisi ako. “Parang hindi na ako ang nanliligaw sa ‘yo, Theo,” pangalumbaba ko at sinulyapan pa ang rel