Salamat KAMILA Sa isang sosyal at alam kong hindi biro ang presyo ng mga pagkain na restaurant nag-park si Theo. Kaya pala pamilyar sa akin ang binanggit niyang pangalan kanina sa secretary niya. Last year, I was working here at Marcoes as a waitress. Saglit lang naman ‘yon, para lang ‘yon sa isa naming misyon. May minatyagan akong tao na nagtatrabaho sa Marcoes na isang witness para sa kasong hawak namin. Pero ano naman? Ano bang pinag-aalala ko? Wala naman pero nakagat ko ang labi ko dahil pakiramdam ko’y nilalaro ako ng tadhana. Kasi sa dami-daming restaurant sa mundo, dito pa talaga? Saka sa paraan ng pagbanggit ni Theo kanina ay mukhang madalas siya rito. Gusto ko tuloy na matawa. Isang dekada ang matuling lumipas bago nagtagpo ang landas naming dalawa pero nangyari pa talag