Pervert KAMILA Hindi ako bayolenteng tao–okay, fine. Medyo lang. Pero hindi naman ako nananakit ng wala lang. Kung nang-aagrabyado at inaagrabyado ako, bakit ako magpapadaig hindi ba? Pero sa pagkakataong ito, wala akong choice kung hindi magpakabait. Kung nakamamatay lang ang tingin ay tumimbuwang na si Theo ‘pinaglihi sa sama ng loob’ Figueroa sa harap ko ngayon. Ang labi ko nilapastangan niya na naman. Napalabi ako at napangiwi pa nang tila makaramdam ng hapdi ro’n. Kinagat ba naman ng lintek. At ano kamo? Isa pang mura pa, higit pa rito ang gagawin mo? Ano naman ang higit na ‘yon? Ba’t hindi mo siya murahin ulit? Kinilabutan ako sa naisip kong ‘yon at napapitlag pa sa gulat nang lingunin ako ni Theo. “Let’s go,” hindi pa rin maganda ang ekspresyon ng mukha niya. Halatang badtr