Bring me KAMILA “Here!” Napatingin ako sa hinagis ni Ate na saplot sa kama habang kinukuha ko ang summer dress na isusuot ko sa birthday ng kambal na magsisimula na maya-maya. Nakatulog ako pagkatapos ng tanghalian at hindi ako sumama kina Ate at Phoebe na mag-picture sa labas. “Ano ‘to, Ate–” Natigil ako sa pagsasalita nang mabulatlat ang bikini top at kapares no’ng swim skirt bottom na sobrang ikli pa rin at ang tanging matatakpan lang ay ang alam n’yo na pero kapag onting yuko lang makikita naman ang pwetan ko tiyak. “Ba’t mo ‘to ibinibigay sa akin?” Nagkatinginan sila ni Phoebe at tinawanan ako. Parang gusto kong pagsisihan na isinama ko si Ate at nagkakilala sila ni Phoebe. Magkasundong-magkasundo ang dalawa at parang pinagtutulungan ako. “Iyan ang isuot mo sa ilalim ng dres