Future together KAMILA “What’s wrong?” tanong ni Theo nang hilahin ko ang kamay ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak nang makapasok kami ng elevator. Didiretso na raw kami sa helipad ng rooftop patungong Palawan at wala na kaming oras para magtagal pa dito sa kompanya nila dahil anong petsa na at hinihintay na kami ng pamilya niya. Pabor na pabor sa akin ‘to, ang makalayas sa kompanya niya dahil pakiramdam ko’y sinisilihan ako ng apoy dahil sa pinaggagawa niya kanina. Kung hindi ba naman ‘to loko-loko, sa akin iniasa ang approval ng marketing department niya. Powertrip tapos ako ang naging front? Ang lala. “Kamila–” “Tumahimik ka diyan kung ayaw mong makatikim, Theo,” putol ko sa kanya walang pakialam sa guard na kasa-kasama namin. “Makatikim ng ano?” bulong niya sa tenga k