Boss KAMILA “Ano nga palang nangyari doon sa pina-trace ko sa ‘yo na plate number noong humabol sa atin no’n?” naalala kong itanong kay Theo habang bumibiyahe na kami patungong kompanya nila. Nilingon ko pa ang SUV na kinaroroonan ng mga bodyguards namin daw. Oo. Namin. Malamang kasi kasama niya ako. Hindi na rin siya ang nagmaneho at may sumundo sa amin. “Peke iyong plaka. Hindi nakarehistro.” Natigilan ako at naikuyom ang kamao ko. “I see, mabuti naman naisipan mong mag-hire na ng bodyguards.” “Pinabalik ko na lang, just for you to be safe.” “Huh? Bakit ako?” Nagkibit-balikat lang siya at tinutok ang atensyon sa ipad niya. Mukhang importante ang kung anuman na binabasa niya dahil hindi na naalis ang tingin niya ro’n. Napailing na lang ako sa sinabi niya. Kaya ko ang sarili ko.