Own KAMILA “SPO3 E-Eusebio,” pilit ang ngiting tawag ko sa kanya pabalik. Ngumisi siya at hinagod ako mula ulo hanggang paa. Ngali-ngali tuloy na itusok ko sa mata niya ang stiletto ko. May lalabas na babae kaya agad akong umalis sa daanan at nilapitan siya. Gusto ko na nga lang siyang takbuhan pero sa ugaling meron ang lalaking ‘to hindi malabong sundan niya ako. Wala akong planong ipaalam kay Theo ang tunay kong trabaho. Ngumisi siya at akala mo’y sinong pogi na humilig sa dingding pa. May hitsura naman talaga ang lalaking ‘to pero ubod ng yabang at manyak. Kung hindi lang mas mataas ang ranggo niya sa akin, pinukpok ko na talaga siya sa ulo dahil nagtatagal ang tingin niya sa dibdib ko. “Akala ko namalikmata lang ako kanina, pero ikaw nga talaga ang nakita ko.” “A-anong ginagawa