Hallucination KAMILA Nang makatapos ang dalawang kanta ay ako na mismo ang kumalas kay Theo. Tiningala ko siya at nanlalabo ang paningin na napahikab ako. “I think I need some coffee,” saad ko’t inalis ang pagkakangkla ng braso ko sa batok niya. Tila may nakita pa akong pagpoprotesta sa mga mata niya sa ginawa ko. “Nakakailang kape ka na ngayong araw, Kamila. You don’t need a coffee. You need some sleep,” aniyang parang sawa na naman ang braso na pumaikot sa bewang ko nang humakbang na ako pabalik sa mesa namin. “I don’t want to sleep with you…I can’t do that,” sa isip ko lang sana sasabihin ‘yon pero hindi ko namalayang naisaboses ko na ‘yon. Napagtanto ko ‘yon nang huminto siya sa paghakbang at dumiin ang paghawak sa bewang ko. Kahit na may telang namamagitan sa kamay niya sa ba