Pahinga ko ngayong araw sa sunod-sunod na pictorial kaya isinama ako ni Felan sa lakad niya. Habang nandito siya sa Pilipinas ay sa Z Tower ni Zachary Carson siya nag-oopisina. Isa ang magkapatid na Zach at Xander sa mga sinubukan namin ni Jella na akitin noon kaya hindi na ako nagulat pa sa higpit ng kapit sa'kin ni Felan habang kausap niya ang pinsan niyang si Zach. Iniisip pa rin siguro ng lalaking ito na may gusto talaga ako noon dito sa pinsan niya. Hello, may-asawang tao na itong si Zach at wala naman talaga akong feelings sa isang ito kahit na nagsusumigaw ang karismang taglay nito. "The triplets want to hangout," sabi ni Zach kay Felan. Tumaas bahagya ang kilay nito habang sumulyap sa braso ni Felan na nakalingkis sa baywang ko. "Hindi ako pwede, busy ako these coming days