"Are you okay?" Napakurap-kurap ako sa tanong ni Felan. May nakita akong kakaibang kislap sa mga mata niya ang wari'y nagsasabing alam niya kung ano ang nangyayari sa'kin pero agad din iyong naglaho kaya di ko masabi kung totoo ba iyon o bunga lang ng pagkakagulo ng sistema ko. "You look flustered." Ako lang ba o talagang lumalim ang boses ni Felan at para bang binubulong na niya sa'kin ang mga sinabi niya. Lalo akong napipilan nang naradaman kong nakaakbay na sa'kin ang braso niyang nakapatong lang kanina sa sandalan ng inuupuan namin. Kagat-labi kong pinigil ang sarili na suminghap nang iyong kamay niyang may hawak ng papel ay humaplos sa nag-iinit kong mukha . Para akong na-engkantong napatitig sa maamong mukha ni Felan habang marahan at masuyong humahaplos sa pisngi ko ang kamay ni