"What the f*cking hell!" Halos matulig ako sa malakas at galit niyang sigaw nang makahuma siya mula sa pagkabigla. Kahit nanghihina pa iyong mga binti ko mula sa pinaggagawa namin kani-kanina lang at mula rin sa pagkabitin ko na tiyak ay naramdaman din niya ngayon ay nagawa ko pa ring tumayo at namaywang na tumunghay sa kanya habang nakahiga pa rin siya sa binagsakan niyang sahig. Kahit na hubo't hubad akong nakatunghay sa kanya ay wala akong pakialam at inismiran pa ang bagay na nasa pagitan ng mga hita niya at tayong-tayo pa rin. Naghahamon ko siyang tinitigan habang narinig namin ang mga hakbang na paparating. Tiyak mga tauhan niya ang mga ito na nakarinig sa malakas niyang sigaw. Kampante kong hinintay na pumasok sila sa kinaroroonan namin ni Felan kahit na madatnan pa nila akong