(Owning her) SAKSI ang bawat hampas ng alon sa dagat at ang lamig ng simoy ng hangin sa pag-iisa nilang dalawa. Madilim na at ang tanging nagsisilbing liwanag ay ang ilaw na nasa maliit na poste at ang papalabas na buwan. Ilang ulit nilang tinawag ang pangalan ng isa’t isa sa ilang beses nilang narating ang kasukdulan. Hindi na muna siya pinakilos ni Lorcan. Buong paghanga nitong pinagmasdan ang kanyang kabuuan kasunod ng unti-unting pagbibihis sa kanya. Biniro pa siya nitong kahit araw-araw daw siya nitong bihisan ay ayos lang. Buong puso nitong gagawin iyon. “Kaya mo na bang tumayo, honey?” malambing na tanong sa kanya. Inalalayan siya nitong bumangon. “Buhatin na lang kaya kita?” “Kaya ko naman.” Hindi naman siya nagsisinungaling. Masyado lang siyang bini-baby ng lalaki. “Ayaw mo