(Going home) WALA sa sarili na bumaba siya sa sasakyan ni Wolf. Dumiretso siya sa silid kung saan natutulog ang anak. Doon siya umiyak ng umiyak. Hindi na niya hinarap ang kaibigan at pinsan dahil pakiramdam niya wala na siyang lakas pa. Hinang-hina ang kanyang puso at isipan. Mataman niyang pinagmasdan ang anak na tila iyon na lang ang kaya niyang gawin upang maging malakas. Nanunuot sa kabuuan niya ang reyalisasyon na nagpaguho sa kanya. Her father was sick in a life threathening condition. Ganoon na ba kapait ng tadhana sa kanyang buhay? Bakit parang ayaw siyang tantanan ng mga kamalasan? Marahil sa unang buhay niya ay isa siyang makasalanan siyang tao kaya naman inaani niya ang lahat ng kalupitan na dulot ng mundo sa kanyang kasalukuyang buhay. Ang Papa niya. Bagama’t maraming sakit