(Good morning kiss!) KINAPA niya ang katabi. Masyado siyang nahimbing matapos ang isang maluwalhating sandali. Naabot na niya ang dulo ng kama ngunit wala roon ang hinahanap. Marahan siyang bumangon. Natigil siya sa paghakbang nang marinig ang pangalan niya. “Lorcan! Anak?” It’s her Mom’s voice. Bigla siyang nataranta. “Anak?” Sunud-sunod itong kumatok sa pinto. “Mom?” Hindi na siya nag-abala pang magbihis. Itinakip na lang niya ang kumot sa kanyang katawan. Binuksan niya ang pinto. “I know you’re here.” Napatingin ito sa ayos ng anak. “Magbihis ka na. Let’s talk in the dining.” Tumango siya kasunod ng muling pagsara ng pinto. Hindi ugali ng ina niya na binibisita siya kaya hindi niya inakalang bigla na lang itong susulpot. Pumasok siya sa banyo at naligo ng mabilis. Ano na kaya ang g