(It’s a date on the road!) HAWAK nito ang kamay niya habang nagmamaneho. Panaka-naka siya nitong sinusulyapan habang hinahagkan ang likod ng kanyang palad. Hindi na nito pinatapos pa ang ginagawa niyag gawaing bahay dahil sa labis na pagkainip nito. Tumawag na lang ito ng home cleaning service kaya naman wala na siyang nagawa pa nang dumating na ang mga ito. Inutusan siya nito na magbihis na upang makaalis na sila. Tanging mobile phone lang din ang dala niya. Wala siyang ideya kung saan sila pupunta. “Saan ba tayo pupunta?” tanong niya. Malayo na rin ang binabiyahe nila ngunit hindi pa rin sinasabi ng kanyang amo ang lugar na pagdadalhan sa kanya. Paano na lang kung bigla siya niton ipakain sa pating sa dagat o di kaya naman ay itapon na lang saan? Wala pa naman siyang dalang pera. Nai