(Her bundle of joy) NAKATANAW lang siya sa malayo. Ilang buwan na rin siyang nanirahan sa dayuhang bansa. Totoong nahirapan siya dahil lahat ng hirap niya sa pagbubuntis ay pinanindigan niya mag-isa. Nang dalhin siya ng mga tauhan ng kanyang ama sa Amerika ay iniwan din siya roon agad. Mabuti na lang at may mabait siyang kapitbahay na kapwa niya Pilipino. Kahit paano ay naibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman. Labis siyang nangungulila kay Lorcan lalo na at ipinagbubuntis niya ang kanilang magiging anak. Marahan niyang hinimas ang malaki na niyang tiyan. Hindi magtatagal ay iluluwal na niya ang kanyang baby. Iyon na lamang ang nagbibigay sa kanya ng labis na kaligayahan at naghahatid ng pag-asa upang mabuhay. Ang baby nila ni Lorcan. Ang bunga ng kanilang pagmamahalan. “Arwa! Arwa!”