Chapter Five
The Tears
Lianne
Hindi ko alam kung nakailang ikot na ako dito sa kama. Kanina ko pa pinaglalaruan ang ilaw. Pag pinindot mo kase ng dalawang beses o tatlong beses tataas ng brightness ng lamp. Tumayo ulit ako nilibot ang kwarto ko. Hindi ko din alam kung nakailang libot na ako sa buong bahay. Kaninang umaga pag gising ko wala si Rowin. Nauna pa ako dito kaysa sa may ari ng bahay.
Napatingin ako sa Balcony nang may bigla akong narinig na tunog ng sasakyan. Nakita kong bumaba si Rowin sa kotse niya para buksan ang gate. Pwede naman kaseng tawagin niya ako diba?
Hindi ko alam bakit ako tumakbo palabas ng kwarto ko. Sisigawan lang naman ako non’ kapag makikita niya ako. Babalik na sana ako sa loob kwarto ko nang bigla siyang pumasok at napatingala siya kaagd sa direksyon kung nasaan ako.
“Anong ginagawa mo ba’t dikapa natutulog!” Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. Ano ba yan’ nagising na lalo ako.
“I-I mean matulog ka na dahil marami tayong ilalakad bukas.” Pero para akong walang narinig at pinanuod ko lang siyang umakyat dito sa taas.
“Bakit bukas?” Mahinang bigkas ko.
Tumigil ito sa harapan ng pintoan ng kwarto niya at nilingon niya ako.
“Your life will be harder starting tomorrow” Hindi ko alam kung sagot ba talaga yung binigay niya o pagbabanta.
**
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Hindi ako sigurado kung pwede akong gumalaw galaw dito sa bahay ng mga gamit niya pero hindi ba iyon nga ang rason bakit niya ako dinala dito? Para maging kasambahay niya?
Nagluto ako ng breakfast.
Actually kakain na sana ako nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pintoan niya sa taas. Nakita ko siyang bumba sa hagdan habang inaayos ang Necktie niya. May lalakarin na naman yata ito.
“Kumain ka muna”
BALIW!
Hindi ko alam bakit ko pa iyon sinabi. Pero tumigil siya sa harapan ng dining table at naglakad palapit sa akin. Dapat hindi ko na lang siya kinausap!
“We’ll leave in 15 mins. Bilisan mong’ kumain” sabi lang naman nito at hinatak ang isang upuan at doon siya umupo. Hindi ko naman inaasahang gagalawin niya ang pagkain na niluto ko.
“Pupunta tayo sa bahay” Gusto ko sana ng follow up questions pero hindi yata siya yung tipo na mag eentertain pa ng ibang tanong. Baka masigawan lang ako dito.
Hindi ko naisip na puro pambahay lang pala ang mga dala kong damit. Kanina pa yata tapos ang 15 mins at baka inip na inip na siya sa akin. Binuksan ko ang Closet, diko inaasahang may mga damit na pambabae pala dito. Ginagamit ba niya ito?
Kinuha ko ang isang floral pink dress. Siguro hihiramin ko muna ito kaysa naman pambahay ang isuot ko lang diba?
Nang makapagbihis ako ay agad akong nagmadaling bumaba. Kanina pa yata siya naiinip at naiinis sa akin. Nang makalapit ako sa kanya ay tinitigan niya ang suot ko..
“Why are you wearing that dress?”
“Ha?”
“I said, Why are you wearing that dress!!”
Napaatras ako ng kaunti nang sumigaw siya sa akin.
“W-Wala akong ibang damit.” Hindi na siya sumagot at naglakad na siya palabas.
Hindi ako kinausap ni Rowin buong byahe. Medyo may kalayuan din pala ang bahay nila. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis magalit ng isang to.
Lord, hindi ko alam kung kakayaning kong kasama ito sa bahay. Sana bagsakan mo naman akong sampung milyon para matapos na ang pag hihirap ko sa kanya.
Napatingin ako sa bintana habang papasok kami sa isang malaking Gate. Grabe parang palasyo. Mas Malaki yata ang bahay na ito kaysa sa Mansion na unang tinirahan ko. Gaano ba kayaman itong lalakeng to?
“Magandang Araw Sir Rowin”. May dalawang maid na sumalubong sa kanya nang bumaba si Rowin sa Kotse. Grabe nakakalula tignan ang laki ng bahay sa malapitan.
Nagulat ako nang biglang kinatok ni Rowin ang bintana ng kotse niya kaya ibinaba ko kaagad ang glass window.
“Lalabas ka o kakaladkarin kita?” Inirapan ko lang naman ito. Lumabas ako ng kotse at sumunod sa kanya sa loob. Dumiretso ito sa Kusina samantalang nagpa iwan ako dito sa salas.
Ang gara ng buong bahay. Parang babasagin lahat ng mga nandito. Hindi ko alam kung pwedeng umupo sa couch nila, Kung titignan mo parang couch na binebenta, yung mga display sa mall na ang kinis. Ilang tao kaya ang kailangan para malinis ang buong bahay na ito?
“You can take a look a around” Napapitlag ako nang may boses akong narinig. Napatingala ako sa hagdanan. May nakita akong isang lalakeng mukhang pamilyar na papalapit sa akin.
“Lianne? Nice to meet you. I’m Rohan” Naglahad ito ng kamay pero tinitigan ko lang ito. Saan ko na nga siya nakita? Bat’ parang ang pamilyar ng hitsura niya?
“I’m Rowin’s Twin brother. The older one” Napanganga talaga ako nang marinig ko ang sinabi niya. Kaya naman pala siya pamilyar kase parang kahawig din siya ni Rowin. Parehas sila ng tabas ng mukha may mga parte lang talagang mas maganda kay Rowin- Ano bang sinasabi ko?
“Didn’t expect my brother married secretly. Masyadong masikreto talaga itong si Rowin.” I heard him smirked.
Kasal pala siya? Pero bakit naman ang bitter niya?
“Agent ka din ba?” Tanong ko sa kanya.
“Nope. I’m a business man. I’m managing our company. “ ani naman nito.
“If you don’t mind can I show you around?”
May isang malaking room dito kung saan naka tago ang memorabilla ng pamilya nila Rowin mula sa mga sinaunang grand parents pa nila. Pwede na nga itong ilagay sa museum dahil sobrang luma na ng iba.
"I hope you are fine living with him" Nagbuntong hininga lang ako at ngumiti sa kanya. Kung alam niya lang.
"Rowin's still in pain. That's why. All he thought is to get revenge. Hindi na siya natuto." Napakunot ang noo ko nang magsimulang magsalita ito. Napatingin kami sa mga pictures nila na naka display noong bata pa sila. Magkamukha nga silang dalawa noong maliit pa sila.
Kanino siya naghihiganti? Kaya ba ganon nalang kalamig ang mga mata niya dahil puno ng galit ang puso niya?
"Rowin is an Agent at an Intelligency Agency"
Tumango tango lang ako at naghintay sa mga susunod pang sasabhin niya.
"They go Undercover Mission. Rowin's fiance was in his team. Mia Navarro. My Ex Girlfriend. " nagbuntong hininga siya
Napatikom ang bibig ko nang marinig ko salitang ‘Ex-Girlfriend” ibig sabihin magkaribal ang kambal na ito dati?
"Mia and I broke up when we took college. Duon na sila nagkakilala ni Rowin. Dahil magkaiba ang field namin at hndi kami nagkasamang nagaaral, hindi niya alam na kapatid ko si Rowin. And we are not really on good terms. Mas nagtagal ang relasyon nila ni Mia. Bago sila umalis patungong Macau, that was their last mission together... nagpropose ito. Mia died there while doing the Mission.”
Sabi nila behind every Man’s Rage there is a woman
Who would’ve imagine that someone like him is carrying such burden. Hindi mo nga talaga masasabing malungkot ang isang tao kapag tinitignan mo lang sila. I know how it feels to lose someone you love. But maybe his pain is different to mine.
“He watched her died right in front of him. Hindi niya ito matangap so he tried to act on his own. He was dismissed after that”
Kaya naman siguro ganuon nalang kalaki ang galit ni Rowin sa buong mundo. Sometimes the law couldn’t protect every one. Kaya siguro may mga taong kumakalaban dito. I still don’t know the whole story but, He must have been hurt a lot.
"And I know my Brother did not married you because of love." Bigla niyang sabi. Nanlaki ang mata ko nang tititgan ako nito.
Married me?
Ano daw?
"What's his game this time? Does it benefit him if he marry you? At bakit ka nagpagamit? Do you love Rowin?"
Hindi ako makasagot. Dahil hindi ko naman alam ang pinagsasabi niya.
“Stop asking my Wife” Napalingon kami sa likod at nakita namin si Rowin na kakapasok lang
Napatianod ako nang hinawakan ni Rowin ang kamay ko at hinatak ako palabas
Pero hindi yan ang importante ngayon!
Bakit niya akong tinawag na Wife!? At ano ang mga tinatanong ni Rohan sa akin? Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. At higit sa lahat! Ano ba ang ginagawa ko dito sa bahay nila Rowin?
“Oh nandyan ka na pala ija. Tamang tama handa na ang pagkain. Halika maupo ka” Kahit gaano ako hindi kakomportable ay umupo nalang ako gaya ng sabi ng Mama niya dahil ang lawak lawak ng ngiti nito nang makita niya ako.
“Dad, Mom this is Lianne” Dahil nakangitin silang magasawa sa akin wala akong choice kundi ngumiti na din. In fairness mukhang bata pa ang Daddy ni Rowin. At dito yata nagmana ang kambal
“Kinakausap ko si Rowin na magkaroon sana kayo ng Church Wedding pero mukhang ayaw niya yata ikaw ba ija gusto mo?” Nanigas yata ako sa kinauupuan ko sa sinabi ng Mama niya.
Napatingin ako kay Rowin. Pero masama parin ang tingin niya sa akin. Para bang sinasabi niyang ‘Sumakay ka nalang kung ayaw mong barilin kita mamaya!’
“Ah eh, Siya na lang po bahala” sabi ko naman.
Buti nalang mahilig ako sa mga Drama. Sa mga napapanood ko kapag dinadala ka ng lalake sa bahay nila at bigla ka nilang tatawaging ija o kaya naman tatanungin ka kung kailan pa nagumpisa ang relasyon ninyo dapat sumakay ka nalang dahil ibig sabihin nun pinakilala ka niya bilang jowa niya
So ibig sabihin?
What!?
**
Ginabi na kami umuwi ni Rowin. Kahit sa buong byahe ay wala padin siyang imik. I was hoping for an explanation. Pero dahil alila naman ang tingin nito sa akin he would think that I don’t deserve one.
“Sandali lang” Papasok na sana kami sa loob ng bahay pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“Anong sinabi mo sa mga magulang mo at sa kapatid mo?”
“You don’t have to-“
“Sasabihin mo na namang wala akong pakialam kase slave mo lang ako?” Hindi ko alam kung saan ako nakapag hugot ng lakas ng loob para sagutin siya. This might be the first time I talked back to him.
“I told them we’re married. It was a quick decision. I arranged everything at the Mayor’s office. I just need you to sign these papers. Then we are legally married” Hindi ko tinanggap ang papel envelope na ibinibigay niya sa akin
“Bakit? Anong rason?”
“Nananakit ako ng babae Lianne” Bigla akong kinilabutan nang makaramdam ako ng takot sa boses na pinakawalan niya. Tama na nga hindi na ako mag tatanong.
“But, to stop you from thinking it seriously” Lumingon kaagad ito sa akin. Aatras sana ako pero pader na pala yung naatrasan ko.
“I just used you as my cover. So don’t screw it. Naiinitindihan mo? Ginagamit lang kita. I would never go serious about this.”
I know that it was supposed to be the answer in the first place. Unang una sa lahat hindi naman kami mag kaano ano. and if my father betrayed him then I am on his Enemy list. Natural lang na magalit ito sa akin.
But I was confused on why would he keep me around? Naiintindihan ko pa kung ipina dispatsa na niya ako. Pero kung gusto kong bumalik sa dati kong buhay ay kailangan ko munang magtiis sa poder niya. Maybe, he will set me free when time comes. Some part of me believes that Rowin is not entirely bad.
**