bc

Slave of the Mafia Boss

book_age16+
29.6K
FOLLOW
209.7K
READ
possessive
contract marriage
opposites attract
arranged marriage
arrogant
manipulative
drama
tragedy
like
intro-logo
Blurb

Ang pagkamatay ng stepfather ni Lianne ang siyang simula ng kalbaryo ng buhay nila ng kanyang mga kapatid. Bukod sa tuluyan na silang nawalan ng magulang ay may naiwan pa itong malaking utang sa isang kinatatakutang mafiaboss.

Isang araw, dumating ang lalaking pinagkautangan ng kanyang stepfather ngunit imposibleng makahanap ng gano'ng kalaking halaga sa isang iglap. Kaya naman, bilang kabayaran sa pagkakautang ng kanyang stepfather ay kinuha siya ng lalaking ito.

Iyon na rin ang hudyat ng katapusan ng normal na buhay ni Lianne dahil papasukin na niya ang buhay ng isang mafia boss. Hanggang saan n'ya kayang protektahan ang kanyang buhay sa magulong mundo nito?

chap-preview
Free preview
Prologue
Chapter One The Man in Black Lianne Hindi ko maalis ang mga titig ko sa dalawang mas nakababata kong kapatid na nakatingin lamang sa Libingan ng Tatay. Hindi ko alam kung papaano ang mga susunod na araw sa buhay namin. Nung isang araw lang namatay si Tatay dahl sa sakit sa puso. Hindi kasi ito nagsasabi at bigla nalang siyang inatake. Sinugod namin siya sa hospital pero huli na ang lahat. Si Archie at Junior ay kapatid ko kay Tatay. Hindi siya ang biological Father ko, He is my Step Father. Namatay ang tunay kong ama noong 14 years old ako. Nakapag Asawa naman si Mama ng iba, At siya ang tumayong Ama ko sa loob ng Sampung Taon. Patigil tigil ako sa pagaaral noon. Kailangan ko rin magkapera kaya naman naghahanap ako ng mga pagkakakitahan. Mula nang mamatay si Mama ay nag iba si Tatay, Madalas na itong naglalasing at kung sino sino na ang kasama niya. “Lianne!” Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Aling Marie. Tumakbo ito papalapit sa akin at parang kinakabahan sa kung ano man ang sasabihin niya sa akin. “Bakit po?” Tanong ko sa kanya nang makalapit ito sa akin at hinihingal pa. “May Naghahanap sayo, Pero iba ang pakiramdam ko dito, Anak.” Bakas ang pagaalala sa boses ni Aling Marie “Sino daw po siya? Bakit daw po siya nandito?” “Ang sabi niya sa akin ay kailangan ka raw niyang makausap. Mukhang mayaman siya, May mga kasama siya. Sabi pa niya kilala raw niya ang Tatay mo. “ “Pakitignan naman po sila Junior at kakausapin ko siya” Mula sa hindi kalayuan habang naglalakad ako ay nakita ko ang Mamahaling itim na sasakyan at limang lalakeng naguusap. Hindi kaya masasamang tao ang mga ito? Anong kailangan nila sa Tatay ko? O sa amin? “Ah, Magandang Araw po.” Sinubukan kong magsalita para lumingon sila sa kinaroroonan ko. Lumingon nga ang isa sakin, May friendly face ito at ngumiti siya sa akin. Napalingon rin sa akin ang isang lalakeng katabi nito at inalis ang shades na suot niya. Naka leather shoes pa ito samantalang naka slacks at naka coat into ng itim. Puti naman ang panloob nitong polo at kulay pula ang necktie nito. Mukhang mamahalin din ang mga damit nito.  Nang magtagpo ang mga mata namin ay bigla akong kinabahan at parang hindi maganda ang nasa isip ko, Kung bakit sila narito o ano ang pakay nila. Mukha silang Loan Sharks, o di kaya mga sindikato. “Lianne Mendoza?” Napakunot ang Noo nito nang tinignan niya ako. Dahil nangungutog ang mga binti ko at kinakabahan ako Napayuko lang ako at tumango sa kanya “You might say it is a very Bad Timing, But I was trying to reach you since last week.” Nagsimulang nagsalita ito. “Your Father owed me money. A big one I should say “ Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. “Ang Tatay ko po?” “Yes, Mendoza and He ran away from me. And now he’s dead who else would pay it?” Nakita ko ang pag ngisi nito. Kanina pa niya tinitignan ang bahay namin at mamaya lilipat na ang tingin nito sa akin. “Sandali lang po.” Naglakas loob akong tumingin sa kanya “Nakikita niyo naman po na nagluluksa ang pamilya namin. Sa ibang araw na po kayo bumalik.” Tinalikuran ko siya at maglalakad na sana ako pabalik nang bahay ngunit nagsalita ulit siya “10 million din 'yon” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Sa laki ng halaga nito ay hindi ako makapaniwalang nagawa ng tatay na umutang ng ganong kalaki samantalang lagi kaming namromroblema ng pera. “Pasensya na po, pero wala pa po akong maibibigay na ganyang halaga.” Naglakad ako ng mabilis at bumalik ng bahay. Nang Makita ko ang dalawnag kapatid kong nakaabang sa akin ay kaagad ko silang yinakap. Masyado nang masakit ang nangyaring pagkamatay ng Tatay, idagdag mo pa ang iniwanang utang nito. Pero kahit ibenta ko pa ang bahay at lupa namin maski ang kaluluwa ko hindi ko alam kung aabot pa iyon sa 10 million. “Naku Lianne, narinig ko ang usapan ninyo kanina” Naiiyak na lumapit si Aling Marie sa akin. “Kahit ibenta pa naming lahat ang mga kambing at baka hindi pa ata aabot yun para panimula” “Hindi ko na din po alam kung saan ako magsisimula. “ Napatingin ako sa libingan ng tatay. Gusto ko siyang sisihin, pero may parte sa loob looban kong ayaw ko. Ano pa ba ang magagawa ko, Patay na ang tatay at iniwanan niya kami. Higit sa lahat hindi ko alam kung papaano ko bubuhayin mag isang ang dalawang kapatid ko. ** Ang Libing ni Tatay ay simple lang, Kami lang din ang naghatid sa puntod niya. Nagtitinginan din ang mga kapit bahay. Hindi nakailag sa akin ang mga tsimiss mula sa kanila. Siguro tama nga na iwan na namin ang bahay at ibenta na. “Lianne, kanina pa sumusunod sa atin yung itim na kotse na iyon” Kinalbit ako ni Aling Marie  “Hayaan niyo sila. Kahit anong gawin nila hindi ako makakakuha ng sampung milyon ngayon” saad ko naman sa kanya. Paalis na kami sa puntod ng Tatay nang biglang may mga lalakeng lumapit sa amin. Sila yong’ mga body guard nong’ lalakeng pumunta sa bahay. “Kailangan niyo pong’ sumama sa amin. “ Nagsalita yung isang lalake. “Teka san’ niyo dadalhin si Lianne! Tatawag ako ng Pulis!” Napasigaw si Aling Marie nang lapitan ako ng dalawang lalake “Ate!” Umiiyak na sigaw ni Archie at Junior. Nagpumiglas ako pero sadyang malakas sila. Napatingin ako sa dalawnag kapatid kong iyak ng iyak. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanila. “Bitawan niyo ko!” Nagmakaawa ako sa kanila pero parang wala silang naririnig. Sapilitan nila akong ipinasok sa loob ng sasakyan. Tinignan ko ang dalawang kapatid ko mula sa bintana, Gusto nilang tumakbo para habulin ang sasakyan kung saan ako sinakay pero pinigilan sila nila Aling Marie. “Pakitigil muna yung sasakyan, Magpapaalam lang ako sa kanila!” Nagmakaawa ako sa kanila pero hindi man sila lumingon sa akin. “Please” Napasinghap ako habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata ko. Kakatapos lamang ng libing ni Tatay at sapilitan akong kinuha ng mga lalakeng ito sa harap harapan ng mga kapatid ko. This is unforgivable. ** 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chained By the Mafia Lord (Mafia Series1)

read
488.0K
bc

Reid, The Rancher

read
229.9K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.3K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
587.7K
bc

Kidnapped by the Mafia Boss (COMPLETED)

read
405.6K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook