Chapter Seven The Transformation Lianne Kasalukuyan akong nasa balcony nang makita ko ang kotse ni Rowin sa baba. Pero si Gab ang lumabas doon at nakita kong inaalalayan niya si Rowin na bumaba sa kotse. Bumaba kaagad ako sa hagdan at pinagbuksan ko sila ng pinto. Ihiniga namin si Rowin sa couch. Amoy na amoy talaga yung alak grabe. Ang dami naman niya yatang ininom. Parang si Tatay lang ang baho pag lasing pero hindi naman mabaho si Rowin. Mas mabaho naman si Tatay. "Gusto ko siyang iakyat sa kwarto niya pero batak ang katawan nito. Bigat niya" Hinihingal na sabi ni Gab habang nakapamaywang naman ito. "Oy pag nagsalita salita ito mamaya sapakin mo lang ha? Pagkakataon mo na ito" Hindi ko alam bakit ako napangiti bigla sa sinabi niya. Oo nga naman pagkakataon ko na bumawi. Hind