CONSEQUENCE

2339 Words
LANCE POV Mabilis na lumipas ang mga araw at kaakibat na rin niyon ang katotohanang nagsayang kami ng limang araw sa misyon naming ito. Yes, you read it right, limang araw na nagmula kaming pumunta sa mundong ito, specifically in this Academy. Hindi naman ako nagkukulang ng paalala kay Kingston sa kung ano ba ang talaga ang plano nito kay Amara pero hindi naman niya ako sinasagot ng matino. He just gave me his serious and cold looks whenever i asked that to him. Alam kong hindi na dapat pang pagtakhan pa ang pagiging ganiyan niya pero nakakainis lang kasi dahil nagmumukha akong side-kick na walang kuwenta sa misyon niyang ito. Para saan pa at narito ako sa misyon niyang ito? I sighed. I just do hope that he already have plan in mind because the result of this mission will dictates the fate of his twin. Kung gaano naman kasi siya kaapurado sa pagpunta dito ay siya namang kabagal nitong kumilos ngayon. "Lance," napalingon naman ako kay Kingston at pagkuwan ay dagling napamura ng mapagtanto kong magsasara na pala ang pinto ng elevator. I then quickly went inside of it and sighed after doing such thing. Nakalimutan ko palang may klase kami ngayon dahil sa kakaisip kong ano bang sunod naming gagawin para paamuin ang mailap na anghel na si Amara. Anyways, I just want to say that ikaapat na araw na pala na naming nag-aaral dito at kahit papaano ay paunti-unti naming nakakabisado ang buong lugar and even the rules and regulations implemented here. Ikaapat na araw dahil iyong isang araw ay inaksaya namin sa pamamasyal lalo na sa bayan dahil every freshmen has one day to have some fun before the official start of our class.  Tiningnan ko si Kingston kalaunan. Iyong tinging gusto ko siyang bumalagta sa sahig. "Ang bait mo talaga," sarkastikong sabi ko sa kaniya at nginisihan lang niya ako as usual. "Himala at hindi mo dala ang Hellion," sabi ko pa ng mapansin kong hindi niya dala ang kaniyang makapangyarihang sandata. "Do I need to?" he asked. Umiling naman ako kaagad. "Hindi naman," ani ko. Alam ko kasing walang makakanakaw nun sa kaniya. Yes, at ako ang magpapatunay nun sa iba because I tried to touched it lately and because of that I also almost died that specific moment because the ‘Hellion’ sword instantly released a demonic flame towards me. Para itong may sariling buhay na pinoprotektahan ang sarili nito sa mga taong nagtatangkang nakawin ito kay Kingston.  Mabuti na nga lang talaga at mabilis na umaksiyon sa Kingston dahil kung hindi tustado na ako ng sandaling iyon. Hindi ko naman talaga gustong nakawin ang sandata nito sa kaniya. I just want that time to place his sword under his bed dahil tinatabi nito sa kaniya ang sandatang iyon. His sword occupies a lot of space in his bed and being his concerned partner i want the best for him. Damn!! Why i sound so corny and gay right now? Gross!! “Don’t worry, no one will survive if they steal weapon from me,” sabi nito sa akin na ikinatango ko lang.      "Medyo nabawasan kalang ng pogi points," i said even though I knew very well that it is not true. This past few days that we begun wearing the Academy's uniform, it's very impossible seeing him ugly in the public. I mean walang araw na makikitaan ito ng kapintasan sa pagmumukha nito. Talagang bagay na bagay ang uniporme nito sa kaniyang katawan at maging sa kaniyang pagmumukha. Sana all diba gwapo. Sana kayo din. Anyways, our uniform here is quite similar from Vampire Academy, wearing a black blazer and underneath it is a white shirt with buttons to the neck. Boys wear slacks or pants while girls are wearing an above the knee skirts and just paired it with black shoes that complemented to our uniforms. Nagkaiba lang ang talaga ang uniporme ng dalawang Academy sa logo obviously at sa kulay ng blazer dahil dito ay may ibig sabihin ang kulay ng suot na blazer and it's according to its year level while in my Academy, black is our universal color. Black blazer here are only for freshmen, blue are for second year students, silver is for third year and gold is for 4th year students. Pero pansin ko lang na kunti lang ang naka-gold dito. I think maraming bumabagsak kaya ganoon. "I'm still handsome with or without Hellion," he confidently said that to me and I just chuckled after I heard that from him. Sa mga araw na kasama ko siya, paunti-unti ay nakikilala ko na rin kung anong klase ng lalaki siya. Iyong ilan sa ini-expect ko na pag-uugali niya ay hindi pala totoo. Maliban nalang sa pagiging walang kuwenta nitong kausap lalo na kapag nasapian ito ng cold, walang modo at walang pakealam nitong personalidad. He's just talkative when he likes to insult me and carry his own chair like what he said right now. Trip kasi nitong buwesiten ako araw-araw. Pero sinusuwerte naman ako minsan dahil nakakausap ko naman ito ng normal, pambihira nga lang mangyari.  "Ikain mo nalang iyan pre," natatawang sabi ko sa kanya at pagkuwan ay inakbayan ito. Tuluyan ng nagbukas ang pintuan ng elevator at dinala kami nito sa ground floor ng Academy. Hanggang sa fourth floor lang kasi itong gusaling ito at mahirap man paniwalaan pero kalahati na bahagi lang pala ng Academy ang lugar na aming kinaroroonan. Nakahiwalay kasi ang building ng dormitoryo sa mismong classrooms, cafeteria at magical arena nito. Nasa likuran lang ng dormitory building ang mga tinutukoy ko. It's much higher than the dormitory building because it has five floors all in all.   Each floor represents what year level the students are, from 1st year to 4th year. It's fifth floor in total because the middle floor of the building is the Academy's cafeteria, my favorite floor where the supply of foods are unlimited and free. Samantala, ang magical arena naman ay nasa likod lang din niyon. Kumbaga from Main Gate to Dormitory Building to Classroom Building and lastly, the Magical Arena which is solely for battle related events.  "KUYA!!" Hindi na ako nagtaka pa ng marinig ko ang pamilyar na sigaw na iyon nang tuluyan na kaming lumabas ng elevator. Bawat umaga kasi, pagkababa namin rito mula sa dorm namin, iyan na kaagad ang bubungad sa amin. I just recently met this annoying childish demon who's a self-proclaimed younger brother of Kingston that is no other than the Demon of Envy himself- Damian Maelstrom. Dagdag mo pa ang iba pa nitong kasamahan na palagi na naming nakakasama pero nakakapagtaka lang na wala ang mga ito ngayon. Hindi naman sa ayaw ko pero mas nahihirapan kami sa misyon namin kay Amara lalo na't nagkaroon pa ng kaibigang mga demon itong si Kingston.  “Kuya.” Nang makarating si Damian sa aming harapan ay dagling sumama ang timpla ng mukha nito ng tumuon ang mga mata nito sa pagkaka-akbay ko sa kaniyang Kuya Kingston. I just heaved a deep sighed before I get rid of my arms in Kingston's shoulder. Ako na ang nag-adjust dahil may ugali itong ayaw magpatalo sa kahit anumang laban, verbal man iyan, mental or physical.  "Seloso," ani ko. Binigyan lang ako nito ng ngiting aso at dagling tumabi kay Kingston. "Anong oras klase mo Kuya?" tanong nito kay Kingston. "8 am," tipid na tugon naman ni Kingston sa kaniya. Tama nga ang hinala ko na nabago na ang sistema dito, taliwas sa sinabi ni Dad sa akin noon bago ako pumunta rito. Akala ko nung una hindi ko magiging classmate si Kingston pero heto ako at apat na araw ko na siyang classmate at seatmate but never be his cheatmate. Hindi naman ga-munggo ang utak ko. I considered myself as an ordinary student in terms of intelligence but i'm not ordinary when it comes to battle.  Itong si Damian naman at ang ilan sa mga kasamahan nito ay hindi namin kaklase dahil 4th year na sila, habang kami ay 1st year palang ngayon. Wala sa edad ang pag-aaral dito kaya kahit may edad na ay puwede pang mag-aral. May mga kaklase nga kaming mga tanders na eh pero so far wala pa namang senior citizen. "Great. Punta muna tayo sa cafeteria," aya nito sa akin na ikinangiti ko naman. Isang bagay lang ang nagustuhan ko sa presensiya nitong si Damian. Galanti ito kong manlibre sa amin. I'm not just talking about the foods in the cafeteria. I'm talking about the items and clothes he bought for us outside the Academy. Libre ang pagkain sa cafeteria kaya no need na magpa-libre sa kaniya. Galing daw kasi sa mayamang pamilya itong si Damian kaya ganito kagalante sa amin. "Where are Thaddeus and the rest of your co-members?" Kingston asked, referring to the other members of the Demonic Knight of Hell. "Sa cafeteria,” dagling tugon ni Damin sa tanong na iyon ni Kingston. “Inutusan nila ako na sunduin ka para samahan kaming mag-agahan." Kingston nods. "Let's go then." Tinahak na namin ang hallway patungo sa Classroom Building. Bawat nadadaanan namin na mga estudayante ay hindi maiwasang lingunin kami. Mali, dahil lang pala dito kay Kingston.  "Ang gwapo talaga ni Kingston." "Tama ka girl. So Yummy kyaahh!!" "Laway mo gaga!" "Okay lang. Ang sarap kasi talaga ni Papa Kingston!" "Papa Kingston, paisa!!" Kapwa umasim ang mukha namin ni Damian sa aming mga naririnig. Hindi na ito bago sa aming pandinig pero hindi pa rin namin maiwasang mainis at maiinggit sa kaniya. When Kingston is with us, expect that all the comments and praises of the students are solely for him. Natatabunan niya ang kagwapuhan namin. We still have some supporters though but not that huge and many compared to Kingston's fan base.  Lumipat sa tabi ko si Damian at pagkuwan ay may ibinulong sa akin. Kung kanina ay napapagitnaan namin si Kingston, ngayon ay ako na ang pinapagitnaan nila. "Ipa-assasinate na ba natin si Kuya?" Mahina akong natawa ng marinig iyon sa kaniya. Bahagya kaming lumayo kay Kingston na tila wala lang naman sa kaniya ang ginawa namin. We also slow down our pace just to talk secretly to each other. "Matagal ko na iyang gustong gawin younger bro. Nangangalawang na ang kagwapuhan natin dahil lang sa kaniya." Tumango naman itong si Damian. "Ngayon na ba?" Ngumisi ako. "Pwede rin." "Naririnig ko kayo." Naningas naman ang aming mga katawan ng marinig namin iyon kay Kingston na nasa harapan namin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Nakasuksok ang mga kamay nito sa magkabilang bulsa ng suot nitong slacks at taas noo paring naglalakad sa unahan namin. "Halimaw iyang Kuya mo," nasabi ko nalang kay Damian bago kami tumabi muli kay Kingston. "I strongly agree."   DAMIAN POV After 25 minutes of walking and also riding the elevator, at last, we finally reached the cafeteria. Tulad ng naririnig namin sa hallway ay naririnig rin namin rito sa cafeteria habang naglalakad kami patungo sa mesa ng mga kasamahan ko.  "Kingston, dito!!" I just rolled my eyes hearing that from Edward.  Alam ko naman kung saan ang mesa nila, bakit kailangan pang sumigaw? I can lead Kuya Kingston and Lance to them. Kumakaway rin ito katulad ng iba pa habang nakatingin sa amin. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa tuluyan na naming narating ang kinaroroonan nila. Umupo na rin kami kaagad sa mga upuan na naka-reserve sa amin. "May gusto ka bang kainin, Kingston?" tanong ni Thaddeus kay Kuya.  Nag-order lang kasi kami kanina ng pagkain ng hindi namin tinatanong kung ano ang gusto nitong kainin ngayon. Umiling lang si Kuya Kingston at pagkuwan ay nagsimula ng lantakan ang nakahain na pagkain sa kaniyang harapan. Hindi talaga siya mapili sa pagkain kaya kahit anong ihain mo sa kaniya ay kakainin niya. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil napansin kong natigilan ito habang nakatuon ang atensiyon nito sa malayo. I then followed the direction of his stare and my lips parted when I recognized that person.  'A-Amara Fenmore'  Kilala ba siya ni Kuya? Nagtaka na rin ang iba ng bigla itong tumayo habang may nakapaskil itong ngiti sa labi. "Where are you going, Kingston?" Thaddeus asked. "Girlfriend," sabi nito. We become speechless when we heard that from him. Amara is his girlfriend? How? Nakatingin lang kami sa kaniya habang naglalakad ito patungo sa direksiyon ng Heavenly Guardians of Heaven. Ano kaya ang gagawin ni Kuya sa kanila?   SOMEONE POV Kingston's presence was enough to attract other's attention including every members of the most powerful group in the Academy which is the Holy Guardians of Heaven. Napatigil ang mga ito sa pagkain ng tumuon ang kanilang mga mata sa papalapit na binata. Pero sa lahat ng miyembro ng nasabing grupo, si Amara lang ang hindi komportable sa nangyayari. Masama ang kaniyang kutob sa papalapit na si Kingston . Mas lalong bumilis at lumakas ang pagpintig ng kaniyang puso ng tuluyan ng narating ni Kingston ang mesa nila. Sinalubong niya ang tingin nito at pinanatiling walang emosyon ang mukha pero sa hindi inaasahang pangyayari ay natagpuan nalang ni Amara na nakadampi na ang labi ni Kingston sa kaniya. It's just a quick kiss but enough to make her blush. Dagli niyang inalayo ang sarili sa lalaki. "Good morning Baby." Napasinghap ang lahat ng naroroon matapos banggitin ni Kingston ang mga salitang iyon. This news will surely be a trending topic inside the Academy. At sigurado rin na maraming uuwing luhaan dahil may bini-baby na hinahangaan nila. "B-Baby?" gulat na tanong ng isa sa miyembro ng kinabibilangang grupo ni Amara. Nilingon ito ni Kingston habang nakangiti pa rin. "I'm her boyfriend."  Their jaw drops for an instant after hearing that shocking revelation. Matapos ng mga itong makabawi ay pinukol nila ng masamang tingin si Amara. She instantly felt so uncomfortable seeing that from her co-members.  "You have lots to explain to us Amara." Upon hearing that from her bestfriend, she already knew that she's in big trouble. This is the consequence of her lies and she need to face it alone. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD