AMARA POV
“In count of 3, gusto kong palibutan ninyo ang halimaw” I commanded to them.
It’s time to show what our group is capable of doing whenever we were in the battle field.
“Yes, Ma’am,” napangiti nalang ako ng sumaludo pa sila sa akin bago nila ginawa ang iniutos ko.
Hinintay ko muna na tuluyang mapalibutan ng mga ito ang halimaw bago ako gumawa ng aksiyon.
This is my role as a leader of this group. I didn’t just ensure that every member in our groups bonded well because I am the one also who formulate battle tactics and strategies that are very relevants in the battle field.
Pero naka-depende pa rin kung ang laban ay as a group dahil kung individual naman ay hinahayaan ko silang mag-isip ng kanilang mga sariling estratehiya sa pakikipaglaban.
Gusto ko lang naman na hindi lang tumibay ang bond namin as a group but also we desire to grew and matured individually. After all, our goal here is just the same and that is to become an Archangel in the near future. Kung magiging Archangel man ako ay sisiguraduhin kong kasama ko sila sa pag-abot ng pangarap kong iyon.
“Ma’am, we’re already in our respective position”, Anah informed me and that’s the cue for the next move they should do.
When they are already on their respective position, I then soar high up into the sky, above the head of the giant. Napatingin sila sa akin bago ako tinanguan isa-isa.
Hinawakan ko ang kalaunan ang aking suot na kuwentas at hinubad ito. It’s time to use this special weapon of mine which I called the Divine Necklace of Self-Control.
This necklace of mine looks like a fancy jewelry but I didn’t just use it as one of my accessories but rather a weapon that can restrain my opponents’ movement. Ilan lang ito sa mga kagamitan na ginagamit ko sa laban at wala pa dito ang Divine Armor of Heaven na mayroon din ako.
“It’s time,” nasabi ko nalang ng maramdaman ko ng nagising na ang natutulog na kapangyarihan ng hawak kong kuwintas.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras kaya naman itinapon ko na ito sa direksiyon ng higante na nasa ibaba ko lang.
Hindi nagtagal ay bigla itong nagpakawala ng nakakasilaw na liwanag at nang tuluyan na iyong nawala ay bumungad na sa aming lahat ang higante na nakagapos sa kuwintas ko na ngayon ay mala-higante na rin ang laki. Patuloy din ito sa paghigpit dahil hindi lang nito nililimitahan ang galaw ng kalaban but also it tortured its opponent.
“Gwyn, I need you to cut his legs first,” utos ko sa aking bestfriend gamit ang telephaty.
Tumango naman siya at pagkuwan ay inihanda na niya ang kaniyang sarili.
“Cover yourself with a divine light Elysium!”
Dumako ang tingin ko kay bestfried, Gwyneth Ilaria- the Guardian of Joy. She just activated the power of her spear which she called Elysium.
Gwyneth is the Holy Enchantress in our group.
I am an enchantress too but the only difference is that I rely mostly on the Book of Judgment that I have why her relies in her mastery in all the enchantments and spells that she knew.
Pero kung ikukumpara naman ang lakas na alam nitong mga spell at engkantasyon sa mga spell na napaloob sa Book of Judgement na hawak ko ay di hamak naman na mas malakas itong mga spell and enchants na nasa libro ko.
The spells that she knew and can do was only limited for offensive and defensive purposes that’s why she not just rely in her enchants most of the time but rather in her mastery also in hand-to-hand combat and weapon expertise as well.
Dahil hindi lahat ng enchants at spell ay gumagana sa lahat ng kaaway kaya dapat lang marunong pa rin siyang makipaglaban kahit hindi siya umaasa sa kaniyang alam na spells and enchants.
“Critical Hit: Breakthrough!”
Ang gintong liwanag na bumabalot sa sibat nito ay tumuon nalang sa talim nito kaya naman mas naging deadly ang talim ng sibat nito ngayon.
“BANG!” A loud sound echoed after her weapon hit the enormous legs of the giant.
Gayunpaman ay inaasahan ko na rin na hindi sasapat ang atake niyang iyon para tuluyan nitong maputol o mabutusan man lang ng malaki ang binti ng higante.
Mukhang hindi rin naman ikinagulat ni Gwyn ang naging resulta ng kaniyang unang pag-atake pero knowing her, she’s not that easy to give up kaya naman paulit-ulit nitong sinubukang atakehin ang higante hanggat kaya niya.
Okay na rin naman ang nagawa nito sa halimaw dahil gusto ko lang naman na i-test kung gaano ba talaga kakapal ang balat nito. Pansin ko kasing ang balat nito ay nagsisilbi nitong kalasag kaya naman hindi ito basta-basta namin matatalo.
“Tingnan natin kung hanggang saan ang tibay mo,” nakangising sabi ko bago ko gawin ang ideyang basta nalang sumagi sa aking isipan.
Itinaas ko na kalaunan ang aking kamay at bigla itong nagliwanag tulad ng pagliwanag ng Divine Necklace of Self-Control sa katawan ng higante.
Sa sandal na mahigpit ko ng isinara ang aking palad ay sinundan naman ito ng tuluyang paghigpit ng kuwintas na nakagapos sa katawan ng higante. I just need to break its formidable armor as well the tough skin of it.
Is the Necklace of Self-Control enough to surpass its formidable defensive capability?
Let’s see.
“GROOWWLLL!!”
Kapwa kami napatakip sa aming mga taenga ng umalingaw sa buong lugar ang napakalakas na hiyaw ng higante. Hindi ko napaghandaan ang nakakabingi nitong sigaw kaya naman kahit ako ay nagsu-suffer rito.
Tiningnan ko muli ang buong katawan ng higante pagkatapos kong masanay sa boses nito at dagli kong napagtanto na tuluyan na palang nawasak ng Divine Necklace of Self-Control ang armor na nakuha nito kay Winifred.
Mas kinuyom ko pa ang aking kamao para mas humigpit pa ang Divine Necklace of Self-Control dahil hanggat hindi nawawasak ang protective skin nito na nagsilibi na rin nitong kalasag ay hindi namin ito tuluyang mapapaslang.
Hindi nagtagal ay napangiti nalang ako dahil sa aking nakikita. Its tough skin slowly shows sign of vulnerability. Nagkaroon na rin kasi ng bitak sa katawan nito at hindi nagtagal ay tuluyan ng nabasag ang balat nito na tila ba isang babasaging salamin.
I’m right.
His entire body was coated with a barrier, from head to toe. Maging ang malaki nitong pakpak ay siguradong nababalutan din ng pananggalang.
“Gwyn, cut its legs now!” utos ko ulit sa aking matalik na kaibigan dahil wala na rin naman ang tanging proteksiyon na nagpoprotekta sa malaking katawan ng higante. Kailan na din kasing magmadali dahil hindi ko alam kung kaya ba ng higante na ibalik ang matibay nitong kalasag sa loob ng maikling oras.
“Secret Spear Assassination Technique: Divine Angelic Cut!”
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita nalang naming lahat na bumagsak ang naputol na binti ng higante sa lupa pero bago pa iyon tuluyang lumapat sa kalupaan ay-
“Cut them into tiny pieces Dagmor!”
Sa isang kisap-mata ay nagawang pagpira-pirasuhin ni Anisa ang malaking binti ng higante gamit ang matalim nitong sandata na isang golden scythe.
She is Anisa Clementine- the Guardian of Gentleness but her attitude in the battle field is not appropriate to what kind of Guardian she is.
Inosente kasi ito at sobrang mahinhin na babae pero kapag nasa laban ay tila nagiging demonyo na uhaw na uhaw sa pakikipaglaban. Idagdag mo pa rito na siya ay nagtataglay ng kapangyarihan na gustong-gusto ko noon at ito ay ang Demon Slayer Magic.
Noon iyon, noong hindi ko pa kabisado ang kapangyarihan na taglay ko at maging ang Book of Judgement.
“Stay focus,” pagpapaalala ko sa kanila dahil napapansin ko ng nagiging kampante na ang mga ito dahil lang sa ginawa nina Gwyn at Anisa.
Kahit kasi nagawa na nilang putulin ang binti ng higante ay kataka-takang hindi pa rin bumabagsak ang higante sa kalupaan.Nanatili itong nakatayo sa kabila ng putol nitong binti.
“Evander and Hiriko, crush his head now!” utos ko naman sa dalawa ko pang ka-miyembro.
Evander Heidrich is the Guardian of Kindness while Hiriko Keisuke is the Guardian of Faithfulness.
“Gigantisizem, Magnar!” Evander chanted as he finally increases not just the size but also the power of his weapon which is a golden hammer.
He is known to be the Copy Cat of the group. He has the ability to copy not just his opponent ability but also us, his comrades.
Pero alam kong hindi lang iyan ang kakayahang taglay niya kasi umamin siya sa akin na hindi lang siya isang Copier kundi Stealer rin- the ability to steal someone’s magic and own it like his. Ang kakayahan niyang manguha ay hindi pa niya nama-master hanggang ngayon kaya naman umaasa nalang muna siya sa kakayahan niyang manggaya ng kakayahan ng iba.
“Show off your destructive power, Hirogrim!”
Hiriko on the other hand, makes his golden arnis increases its destructive force and power. Binalutan niya ito ng kaniyang kapangyarihan na hindi rin nagpapahuli kung pag-uusapan ay lakas at pinsala na magagawa nito sa kalaban.
He has the ability of manipulating climate and natural disaster. Isang kakayahan na maaaring makapatay ng hindi lang ng kaniyang kaaway kundi pati na rin ng mga inosenteng nilalang.
Nagkatinginan pa silang dalawa bago sabay na umatake sa higante. Buong lakas nilang ginamit ang kanilang mga sandata at direktang tumama iyon sa ulo ng halimaw na tuluyang nagpabagsak sa higante sa kalupaan. Mabuti nalang at malayo kami sa Academy at maging sa bayan dahil siguradong hindi maiiwasan na may madamay sa laban naming ito.
Hindi pa nakunteno silang dalawa dahil ginamit pa nila ang kanilang mga kapangyarihan para mas lalong pahiyawin ang higante.
Hiriko uses his ability to control the climate and Evander copy his ability kaya naman para na ring nagkaroon ng dalawang Hiriko ang nakikipaglaban ngayon sa higante.
Nagsimula ng dumilim ang kalangitan at naglitawan roon ang malalakas na kulog at kidlat. Naging malakas na rin ang ihip ng hangin hanggang sa nagkaroon na ng malaking buhawi at kinulong niyon ang higante sa loob.
Pakuwan ay itinaas nilang dalawa ng sabay ang kanilang mga kamay at tumingin sa kalangitan hanggang sa isang malakas na boltahe ng kidlat ang pinakawalan ng ulap patungo sa direksiyon ng higante.
Isang malakas na pagsabog ang naganap at sandaling nabalot ang buong lugar ng makapal na usok. Naghintay lang kami ng ilang minuto hanggang sa tuluyang mawala ito pero hindi namin inaasahan ang bubungad sa amin.
“L-Lucian Janzen”
Natalo nga namin ang higante pero may pumalit naman na mas matindi pang kalaban. Siguradong mapapalaban kami ng husto nito.
TO BE CONTINUED