AMARA POV
Ramdam ko ang malakas na kapangyarihan ni Lucian Janzen kahit na hindi pa ito nagpapakawala ng aura o kahit na kaunti manlang nitong enerhiya. Nakatayo lang ito at seryosong nakatingala sa direksiyon namin sa kalangitan.
For a man in mid-40’s he looks so young. Based from his physicality, his age would be ranging in 25-28 years old. He looks so young and handsome.
Akala ko ay hahalughugin pa namin ang buong Uni-World para lang makita ito but he unexpectedly showed up in front of us.
Hindi ko naman ito masasabing mabuting bagay dahil ibig sabihin lang nito ay may kompiyansa itong makipagsabayan sa amin kahit na sabihin pa naming mas madami kami kung ikukumpara sa kaniya. Kung magkagayon man ay sa tingin ko ay may nakatago itong alas na pwedeng magpapanalo sa kaniya laban sa amin.
Lucian Janzen was considered a very intelligent man- a legendary scientist to be exact but then one day, we just heard a news that he was imprisoned because he attempted to kill Lord Gael- the Head of the Royale Famillia, the powerful group that rule this world. Binubuo naman ang Royale Famillia ng anim na miyembro at galing ang bawat miyembro nito sa magkakaibang lahi except for the race of demons and angels, because that said group didn’t have a demon nor an angel-blooded members.
They tried to recruit as to solidify their group and semented their throne as well but we rejected their offer. Wala kaming balak maging pumasok sa pulitika.
“Let’s Go.”
Senenyasan ko aking mga kasamahan na lumapag na sa lupa para pormal naming harapin si Lucian. To tell you the truth, this is not the first time that we saw him in person dahil kami ang nagpabalik sa kaniya sa kulungan nito matapos nitong tumakas.
And from that specific battle with him, I can’t deny the fact that he really gave us a hard time. Nahirapan kaming hulihin siya dahil ang kakayahan nito ay nullification at necromancy pero sa tingin ko ay may taglay pa itong ibang kapanguarihan maliban sa aking mga nabanggit.
No wonder he was called as the “Bad Genius”- the most wanted criminal in this world.
Pero nakakapagtaka lang na buhay pa rin ito hanggang ngayon. I thought he’s dead because according to the news that circulated 2 years ago, he died dahil kamatayan ang pinataw na kaparusahan sa kaniya noon matapos namin siyang hulihin at ibalik sa kulungan.
Was that news just for publication?
“It’s been awhile, Guardians”
Nanindig ang aking mga balahibo nang makita kong sumilay ang nakakatakot na ngisi nito sa labi. Inisa-isa niya kami ng tingin at bigla akong naging hindi komportable ng huminto ang paningin nito sa akin.
“You’re still beautiful Amara,” he praised me but that didn’t make me smile. I am still intimidated by his evil aura.
“Your parents must be happy right now because you grown up as a pretty and brave woman even without their guidance.”
Kumabog ang puso ko ng marinig ko iyon sa kaniya.I didn’t expected to hear that from him.
“Y-You knew my parents?” tanong ko sa kaniya.
He just nods before he respond, “Sino ba ang hindi makakakilala sa magulang mo? Your parents are pretty famous back then.”
Sumeryoso na ako ng marinig ko iyon.
Yes, he’s right.
My parents are very well-known in this world because they came from the family who became the first ruler of this world. The Royale Famillia just appeared one day and then everything suddenly changed. Nakuha nila ang paghahari sa mundo ito sa pamilyang kumupkop sa akin-ang pamilya Rayleigh.
Matagal-tagal na rin na nagpasalinsalin ang pamumuno sa mundong ito sa lahat ng may dugong Rayleigh at ang huling namuno rito ay ang mga magulang ko.
It was two years ago after the Royale Famillia became the official ruler of this world and that year also became a nightmare for me because that year also marked the death of the family that took care of me even I’m not their real daughter.
Nagkaroon ako sa pamilyang iyon ng mga kapatid, Lolo at Lola, at lalong-lalo na ang mga magulang na nagkalinga sa akin pero sa isang kisap-mata ay bigla nalang silang kinuha sa akin.
“Gusto mo bang malaman ang totoong dahilan sa pagkamatay ng mga magulang mo o mas tamang sabihin na ang buong Pamilya Rayleigh.”
Kumunot kaagad ang noo ko ng marinig iyon sa kaniya.
May alam ba siya tungkol sa pagkamatay nila?
“What are you talking about?” takang tanong ko.
Ngumisi ito. “Alam kong may pagdududa ka pa rin sa lahat ng nangyari dalawang taon na ang nakakaraan. Gusto mo bang malaman kung sino ang totoong nasa likod ng pagkamatay ng pamilya Rayleigh?”
Nanigas ang buong katawan ko ng marinig ko iyon sa kaniya. May alam ba talaga siya sa nangyari noon?
Natagpuan ko nalang ang mga paa kong naglalakad papalapit sa kaniya pero isang pamilyar na kamay ang pumigil sa akin.
“Don’t be fooled by him Amara.”
Napatingin ako kay Kingston at seryoso din itong nakatingin sa akin habang hawak niya ang siko ko.
“Kung gusto mong malaman ang buong katotohanan, ikaw mismo ang tumuklas niyon,” sabi pa nito sa akin.
Natauhan naman ako pagkatapos kong marinig ang lahat ng sinabi nito.
He’s right.
Bakit ba ako maniniwala sa lahat ng sinasabi ni Lucian sa akin?
He’s an enemy and his words are not to be trusted. Pero bakit pakiramdam ko ay totoo ang lahat ng sinasabi nito?
“Who are you?”
Napatingin naman kaming lahat kay Lucian ng magtanong muli ito habang nakatuon ang atensiyon nito ngayon kay Kingston.
“I’m his boyfriend.”
Imbes na magulat sa sinabi ni Kingston ay ngumiti lang ito na parang masaya pa ito sa kaniyang nalaman.
“Congrats then.”
Gumawa na rin ito kalaunan ng isang itim na portal sa tabi nito. Mukhang wala itong plano sa simula palang na makipaglaban sa amin.
Pero bago ito tuluyang pumasok sa portal ay nag-iwan pa ito ng isang makahulugang mensahe.
“Amara, hindi lahat ng nasa panig mo ay talagang kakampi mo. Kung napagtanto mo na tama pala ang sinasabi ko, tawagin mo lang ang pangalan ko at darating ako. Sasamahan kitang maghigante sa mga taong pumaslang sa buong pamilya mo.”
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya hanggang sa tuluyan na itong nilamon ng portal. Sa mga sinabi nito ay mas lalong lumaki ang puwang ng pagdududa sa puso ko at maging sa aking isipan patungkol sa totoong pagkamatay ng buong pamilya Rayleigh.
Dalawang taon na rin akong naghanap ng kasagutan kung bakit iyon nangyari at sino ang master mind sa likod niyon pero wala akong mahanap kahit ni isang ebidensiya man lang.
I already killed all the demons that killed them but the master mind behind that m******e was still a mystery to me that’s why I am not still satisfied with what I did.
Kung kaya ko lang gamitin ang Resurection Spell para lang buhayin silang lahat pero hindi ko pa rin kaya. Kailangan ng malakas na kapangyarihan para magamit ko ang spell na iyon pero dahil masyado pa akong mahina, mananatiling pangarap nalang ang pamilya na gusto kong makasama muli.
“Shhh. Don’t cry. Everything will be alright.”
Natagpuan ko nalang ang aking sarili na yakap-yakap ni Kingston at hinahayaan akong umiyak.
He gently caressed my back to comfort me.
“Umiyak kalang ng umiyak ngayon pero siguraduhin mong hindi kana iiyak mamaya. I hate seeing you cry.”
Napangiti nalang ako ng marinig iyon sa kaniya. Tumingala ako at pinagmasdan ang gwapo nitong mukha.
‘Kingston, ikaw na kaya ang totoong magmamahal sa akin? O katulad ka lang din ng ex ko na iiwan at lolokohin din ako sa huli?’
SOMEONE POV
Matapos ang mahaba-habang labanan at ang paglitaw ni Lucian mula sa kawalan ay pinatawag muli ng Headmaster ang grupo ng mga anghel at ng mga demon tulad ng napag-usapan nilang lahat. Iniimbitahan sina Kingston at Lance na sumama sa mga ito pero umayaw sila sa sandaling ito.
Napagdesisyunan nalang kasi nilang dalawa na bumalik sa kanilang dorm dahil may mahalaga din silang pag-uusapan. Kapwa sila tahimik at walang kibuan habang magkasamang naglalakad pero nabasag lang ang katahimikan na bumalot sa kanila nang tuluyan na silang nakapasok sa kanilang dormitoryo.
“Are you still taking this mission seriously Kingston?” tanong kaagad ni Lance kay Kingston pagkaupo-upo na pagka-upo nito sa sofa ng kanilang may kaliitang sala.
Nakaramdam siya ng galit ng marinig ang katanungang iyon kay Lance. He felt insulted with what Lance asked to him. Parang gusto nitong palabasin na wala siyang ginagawang paraan para mailigtas ang kaniyang kakambal.
“I am,” tipid niyang sagot rito.
“Pero bakit hindi naman iyon ang nakikita ko?” may bahid ng inis ang tono ng pananalita nito. “Imbes na seryosohin mo ang misyon, nakikipagrelasyon ka pa kay Amara. Naubos muna ang dalawang linggo mo rito dahil lang sa kaniya. Pinapaalala ko lang sa’yo na isang buwan at kalahati nalang rin ang natitira para sa misyon mo sa kakambal mo”
“You don’t know anything,” tanging nasabi niya at naiinis na tumayo at tinalikuran ito. Pero bago siya tuluyang makaalis ay napatigil siya sa muling itinanong nito sa kaniya.
“Plano mo bang paibigin si Amara at gamitin siya sa huli?”
Nilingon niya muli ito pero pinanatili niya na walang emosyon ang mababakas sa mukha niya.
“So tama nga ako,” sabi pa nito sa kaniya.
He didn’t deny it because it’s true.
It’s his Plan after all.
Wala siyang planong ganito noon kay Amara pero dahil desperado na siyang mapagaling ang kaniyang kakambal ay gagawin niya na ang lahat kahit maging masama pa siya sa paningin ng iba.
“You’re playing fire with her Adam,” seryosong sabi nito sa kaniya dahil nanatili siyang tahimik sa harapan nito.
“Sana lang at hindi ka mapaso sa huli dahil hindi mahirap mahalin ang katulad ni Amara,” huling sabi nito bago siya nito iniwan sa sala na puno ng katanungan sa aking isipan.
‘Do I really need to do this?’
Pagkatapos niyang marinig ang lahat ng sinabi ni Lance ay parang gusto na niyang itigil ang kaniyang plano pero nasimulan na niya at kailangan niya itong panindigan hanggang sa huli.
TO BE CONTINUED