Nasa labas na ng gate ng kanilang campus ngayon si Georgina habang naghihintay sa magsusundo sa kanya. Abala siya sa pagtitipa sa kanyang cellphone nang may tumawag sa kanyang pangalan. "Georgina!" "Dwight!" Nabigla siya nang makita ang pinsan. Nag-aalala siya na baka makita ito ni Don. Magti-text pa naman sana siya rito na may lakad siya ang kaso ay nauna itong makarating. "Hey, pretty! Let's go! May gusto pa akong puntahan," anito matapos siya nitong yakapin at hilahin papasok sa taxi na sinakyan nito. Nag-atubili pa siyang pumasok dahil baka biglang dumating si Don at makita sila. "Wait!" pigil niya rito kaya naguguluhan siyang nilingon nito. "Naghihintay ang taxi, Ge. Let's go!" Sapilitan siya nitong pinapasok sa loob ng taxi. Hindi na siya nakapagprotesta pa. P