Habang naghahapunan ay kapansin-pansin ang katahimikan sa hapag-kainan. Nagtataka naman ang mag-asawamg Salvatore sa tagpong iyon. Sanay ang mga ito sa maingay na hapag. Ang tanging hindi nila kasama sa pagkain ngayon ay si Don. "So how are feel Georgina, hija? I'm so happy that you are finally getting your college diploma," untag ni ginang Salvatore. Matamis na ngiti ang isinukli niya sa ginang. "I have a special gift for you, Georgina. You will receive it on your graduation day," wika naman ni Dome na may matamis na ngiti sa labi. "Wow! I have already an idea kung ano 'yon kuya Dome," masayang wika naman ni Andie na ikinatawa ni Dome. "Really? Yeah! Exactly what you think but the thing is that, it is very special and very dear to me for a long time and I am giving