Hindi ko pinag-ukulang lingunin si Aly nang umalis ito at kinuha ang malaking maleta sa ilalim ng kama ko. Agad ko iyong pinatong sa ibabaw ng kama at nagtungo sa closet para kunin lahat ng damit ko. Inis kong tinapon iyon sa loob ng maleta at hindi na nag-abalang tanggalin pa sa pagkakasabit sa hanger. "Lara. Wala na sila.." Napatigil ako sa paglalagay ng mga damit ko sa maleta at naupo sa kama. Napayuko ako at doon inilabas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Ano bang nangyayari?" Tanong pa ni Jared kasabay ng paglapit niya sa akin. Umiling-iling ako, napasubsob na lamang ako saking mga palad. "Lara.." "You can tell me. I am willing to listen." Muli akong umiling. Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko at ang pilit na pag-angat sa mukha ko. "Babe.." Agad ko siyang n