Maayos na naidaos ang kasal nila Harlene at Lawrence at halata sakanila ang kasiyahan. Nagawa din makauwi ng Mommy nila ni Jared para dumalo sa kasal at doon ako nagka-chance na na-meet ito. At isa lang ang masasabi ko, mukhang mahihirapan akong pakisamahan ang Mommy nila in the future dahil sa asta at pananalita nito. "This is your girlfriend, Jared? What's wrong with you at mahilig ka sa low-class?" Lihim akong napangiwi at napahigpit ng kapit sa gown na suot ko. Magkatabi kaming kumakain ni Jared dahil nasa reception na nang lumapit ito sa amin at tanungin kung sino raw ang kasama ng anak niya. "Una ay si Alyssa ang gusto mo, ngayon ay ang kaibigan naman niya? Mauubusan ka ba ng babae, Jared?" "Ma!" Suway naman ni Jared sa Mama nila saka hinawakan ang mga kamay ko na nakapatong