Lovely (POV) Natapos ang klase namin at nakarating ako sa bahay na hindi man lang ako pinansin ni Sander. Nakita din niya kanina ang pag tabig sa akin ng isang ka grupo ni Aizah pero hindi man lang niya ako pinag tanggol o tinulungan man lang. Mas masakit pa ang pababalewa niya sa akin na tagos sa aking puso kaysa sa ginagawa nila Aizah sa akin. Buti na lang at dumating si Nathalie kaya nilubayan nila ako. Pagdating namin sa bahay ay tumawag ang Lolo King ko sa akin. Napasalubong ang kilay ko dahil importante siguro ang sasabuhin niya kaya pumasok ako sa aking kwarto. Lolo K: Apo, kumusta. Me: Okay naman Lolo. Lolo K: Gusto kong ipaalam saiyo na hindi natin pwedeng galawin si Aizah. Me: What! why Lo? Tanong ko na nagulat sa sinabi ni Lolo. Malalim na paghinga ang narnig ko kay Lolo