Rob (POV) Sumama ako sa aking mga magulang pabalik dito sa Pilipinas para mag-aral. My twin doesn't want to come with us dahil iniiwasan niya ang kababata naming si Hazel. Very vocal kasi si Hazel na may gusto siya sa kambal ko. Ang kambal ko ay hindi pranka tulad ko, he is easy to get along with at pala ngiti. Siya ang tipo ng tao na kung pwede lang ay ayaw niyang makasakit ng damdamin ng isang tao. I know his type sa mga babae tulad ko gusto namin ang pang model type. Napailing akong maalala si Hazel, ang kababata naming kinulang sa height. Ano kaya ang gagawin ng kambal ko kung malaman niyang naka arrange marriage siya kay Hazel. Accidente ko lang narinig ang usapan nila Mommy at Daddy. Ayaw kong pangunahan ang mga magulang kaya sila na lang ang bahalang mag sabi sa kambal ko. Malakas