Lovely (POV) Lumipas ang mga taon ay kasama at kadamay ko ang kaibigan kong si Hazel. Tama siya naging ka klase namin ang pinsan ni Sander pero kung gaano kasungit sa akin si Sander ay siya namang sama ng ugali ni Robi na mas prangka pang magsalita. Heartthrob si Robi sa school namin pati na ang apat na kambal dahil nasa higher grades na din sila. Magaganda talaga ang lahi ng mga Sandoval at Watson. Papasok kami sa canteen ni Hazel nang makita niya si Robi kaya agad siyang lumapit at binati pero hindi man lang siya pinansin ni Robi na parang walang narinig. "Hazel, halika na." Bulong ko sa kanya na hinila ang kanyang kamay para umupo kami sa bakanteng mesa. Napatingin ako kay Sander na masayang nakiki pag biruan sa mga bago niyang kaibigan at si HR. Kaya lang naman gustong makipag kaib