Sander (POV) Napatingin ako sa orasan lampas alas kwatro na, hindi na ako nakatiis pa. "Lovely, gising! napakatakaw mong matulog pero hindi ka naman tumatangkad!" Malakas na pag kasabi ko at napa mulat ang kanyang mga mata. "Antok pa ako." Inaantok na sagot niya at niyakap ang unan na inilagay ko sa tabi niya. "Lampas alas kwatro na Lovely." Inis na sabi ko at hinablot ang unan na niyakap niya sabay higa ko sa tabi niya kaya sa akin siya ulit yumakap. Ilang saglit ay nadinig ko na tumunog anhg kanyang tiyan. "Nakakaramdam ka din pala ng gutom." Mahinang sabi ko at inilagay ko ang aking palad sa kanyang braso na nakayakap sa aking tiyan. "Gutom ako pero mas gusto kong matulog." Sagot niya na ipinikit muli ang kanyang mga mata. "May kakanin na nag hihintay saiyo, dinala kanina ni Ni