Sander (POV) Habang tumatagal ay mas lalong nadadagdagan ang pagkainis ko kay Lovely lalo na ngayon at higher grade na din ang kapatid ko. Wala nang nambubully sa kanya. Ngayon ay ramdam ko na pinagtatawanan ako ng mga kalalakihan lalo na kung nakatalikod ako. Naglalakad ako pa puntang library at nakasalubong ko ang mga tropa ni Jack. "Bro. si Bakla!" Dinig ko na malakas ng sabi ng kaibigan niya. Yumuko ako at binilisan ang aking paglakad para iwasan sila. "Hoy bakla!" Tawag sa akin ni Jack. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy ang aking palakad na may kasamang takbo. Kinakabahan kasi ako sa mga titig nila. Paano kung gahasain ako. Ang gagang Hanoj kasi na iyon sinabi ko na sabay na kaming mag library pero nauna na siya. Tumakbo na lang ako dahil ramdam ko na sinusundan nila ako. T