"CASTIEL!" Itinaas ko pa ang kamay para kumaway sa direksiyon nila ng mga kaibigan niya. "Uy, si Valerie!" Dinig kong sabi ni Ethan. Bumakas ang gulat sa mukha ni Castiel nang makita ako sa labas ng unibersidad nila, pero kinalaunan ay napangiti na lang. Dumeretso sila sa akin ng mga kaibigan niya. "What are you doing here?" nangingiting tanong niya sa akin. "Sinusundo ka." Agad naghiyawan ang tatlong kasama niya nang marinig 'yon. May pauyog-uyog pa sina Andrew at Ethan sa balikat niya. Pinanlakihan niya ng mga mata ang mga kaibigan niya, tila sinasaway ang mga 'to. Nang manahimik na ang tatlo ay muli na niya akong hinarap. "Sana ay nag-text ka na lang sa akin para ako na ang dumaan sa university nyo." Umiling ako. "Ayos lang. Maaga rin kasi natapos ang huling klase ko kanina kaya