MAYA'T maya ang pagsulyap ko ng tingin sa kanya. Pero sa tuwing mahuhuli siyang nakatingin din pala sa akin ay awtomatikong umiiwas ang mga mata ko. Paulit-ulit na gano'n ang nangyayari sa pagitan namin habang bumibyahe na. Pareho kaming nawalan ng imik dahil sa nangyaring yakapan sa pagitan namin kanina. Pareho kaming kinain ng hiya, lalo na ako. I hugged him back! Inamin ko pa sa kanyang nami-miss ko rin siya. Pero sa totoo lang, naguguluhan ako kay Castiel. Ano na ngayon ang balak niya? Ang sabi niya, hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman niya para sa akin. Ibig bang sabihn nito... Palihim akong umiling sa naisip. Ayaw ko siyang pangunahan, pero ayaw ko rin manahimik lang lalo na sa ginawa niyang pangyayakap sa akin kanina. Dahil kung wala siyang balak matapos na yakapin ako