"THANKS, Van," pagpapasalamat ni Castiel kay Van na siyang naghatid ng order namin. Tumango ito at ngumiti. "Welcome! Sige, balik na ako roon." Nang bumaling siya sa akin ay maliit pa akong ngumiti sa kanya. Bumalik na rin kay Castiel ang atensiyon ko nang kami na lang ang maiwanan sa table namin. Nasa alas onse na rin ng gabi. Bago tuluyang umuwi sa bahay ay naisipan muna namin ni Castiel ang kumain sa mami-hang pinagdalhan niya sa akin noon. Ang ibang mga kasama naman namin ay nagpa-iwan sa bar. Ang mga kaibigan ko naman, babalikan ko mamaya pagtapos naming kumain para sabay-sabay kaming uuwi. "Sabihin mo lang kung may gusto ka pa," biglang sabi ni Castiel. Awtomatikong nagkaroon ng malaking ngiti ang labi ko. "Oo, may iba pa akong gusto." "Ano 'yon? O-order-in ko." "Ikaw." Natig