BAHAGYANG nakaramdam ng pagkailang si Erin nang makapasok sila sa kuwarto ni Caleb at maingat siyang inilapag sa kama nito. "Are you scared?" masuyong tanong sa kaniya ni Caleb na agad kumubabaw sa kaniya. Panay ang sulyap nito sa nakalantad niyang dibdib. Hindi nito maitago ang pagtaas-baba ng Adam's apple. Natatakot nga ba siya? Kinapa ni Erin ang sarili. Medyo. Pero mas lamang ang excitement sa ideyang iaaalay niya ang sarili sa kauna-unahang lalaking minahal niya. "May dahilan ba para matakot ako?" tanong din niya kay Caleb. Yumakap siya sa leeg nito. Hindi rin niya inaalis ang kaniyang mga mata sa guwapong mukha nito. Nakangiting umiling ang binata. "Dahil ano man ang mangyari ay pananagutan ko." Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. "At promise, hindi ko sisirain ang kinabukasan m