"GOOD MORNING!" Kinusot ko ang mga mata ko upang malinaw kong makita kung si Thesa ang nakita ko sa loob ng kuwarto ko. "Thesa? Why are you here?" Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay humiga sa kama ngunit bigla rin siyang bumangon at nagtakip siya ng ilong. "Bakit amoy zonrox?" Pilya pa siyang ngumiti. "Gaga!" Hindi kami nag-s*x dito sa kama kung 'yan ang iniisip mo." "Ows?" Tinusok-tusok pa niya ang tagiliran ko para asarin ako. "Nakailang rounds kayo?" Inirapan ko siya. "Bakit ka ba nandito?" Nakahalukipkip siya ng kamay. "Dahil nanalo ka sa pageant kaya nanlibre si Rafael ng bakasyon sa Tagaytay." "May sasakyan naman kayo bakit kailangan nandito ka?" Nakatakip ang bibig ko ng kumot habang kausap siya. Ayoko kasing dagdagan ang pang-aasar sa akin ni Thesa kung maamoy n