"Hi! Cousin!" Matamis ang ngiti ni Olga. Si Olga ang nakakatandang kapatid ni Monica na nakatira sa Pilipinas. Tinaasan ko siya ng kilay. Alam kong alam niya ang totoo tungkol sa pagpapanggap ko bilang si Belinda. Ngunit anong dahilan bakit nandito sila? "Bakit nandito kayo?" diretsang tanong ko sa kanila. Tumingin sa akin si Mommy. "Belinda, tinawagan ako ng asawa mo para magbakasyon dito, may gusto kasi siyang itanong sa akin. Sinama ko ang Tita Shonie mo at si Olga para may kasama ako habang nandito ako sa Manila," paliwanag ni Mommy. Nakaramdam ako ng lungkot nang tawagin ako ni Mommy sa pangalan ni Belinda. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang namatay at hindi si Belinda. "Rafael, bakit hindi mo sa akin sinabi ang tungkol dito?" Inis kong tanong kay Rafael. Ngumiti siya sa akin. "I w