NAKITA ko si Rafael sa kusina kasama sina Mommy na kumakain ng meryenda kaya nilapitan ko sila. "Hi!" Ang tamis pa ng ngiti ko sa kanilang lahat. Tumayo si Rafael at nakangiti siya habang papalapit sa akin pero sina Mommy ay hindi maipinta ang mukha. Simula kasi kaninang umaga ay umalis na ako at sinadya kong paunahin na makauwi si Rafael sa akin. Alam ko kasing magagalit sila sa akin dahil hindi ganito ang gawain ni Belinda. Apat na araw kong ipinapakita ang totoong ako kahit patuloy akong nagpapanggap bilang si Belinda. Kaya naman galit na galit sa akin sina Mommy lalo na kapag nakikita nilang nagtataka si Rafael sa kinikilos ko ngayon. "Sweetheart, bakit amoy alak ka? Kailan ka uminom ng alak?" nakakunot pa ang noon ni Rafael. Nang tumingin ako kila Mommy ay halos kainin na nila a