NAKAYAKAP ako ng mahigpit sa puting kumot na bumabalot sa hubad kong katawan. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit kasama ko si Rafael sa loob ng silid niya. Alam ko ang nangyari kagabi at ngunit hindi ko alam na totoo ang lahat. Inakala ko kasing panaginip lang ang nangyari. Muli kong pinagmasdan si Rafael. Wala pa siyang suot na damit at nakatihaya habang natutulog. Bumuntong-hininga ako. "Hindi mo dapat malaman na may kasama ka sa kuwarto." Dahan-dahan akong bumangon sa kama at isa-isa kong sinuot ang mga damit kong hinubad ni Rafael. Nang masuot ko ang damit niya ay kumuha naman ako ng damit ni Rafael para isuot sa kanya. Kahit alam kong malalim ang tulog niya kapag nakainom siya ng alak ay maingat ko pa rin na sinuot sa kanya ang damit niya. Halos pigilan ko ang hini